#68//: Anniversary Part 1
... Sarah POV ...
Umupo muna ako at huminga ng malalim. Sa wakas mukhang okay na ang lahat. Maayos na ang set up namin na ala fairytale na kahit yata si Cinderella ay maiingit sa venue na to. Aba magdamag namin plinano at pinagkaabalahan ang venue para sa mahal naming couple hihihi.
"Bunso! Bakit nagpapahinga ka na? Ano wala na ba tayong nakalimutan?" Si Ange na taranta mode ngayon.
"Mmm... oh my gee! May nakalimutan pa tayo!" Bigla pa ako napatayo nang may maalala ako.
"Ano yun? Dali sabihin mo na! Parating na si Prince Minhyun maya-maya!" Ange na inalog-alog pa iyong balikat ko.Bakas talaga ang pagkataranta nito. Palibhasa siya ang incharge sa event na ito.
"Ange nakalimutan natin--" ako
"Iyong ano nga?!!" Ange
"Nakalimutan natin magpaparlor! Wala pa tayong ayos!" Ako na nataranta na rin. Abah di pwede na mukha kaming maid mamaya nu.
"Whaa!! Oo nga. Ano na gagawin natin?!" Napakuha ito ng compact mirror sa bag nito sabay tili dahil sa hagard look nito.
"Tara sa parlor!" Hinila ko na si Ange. Kasi mukhang na petrified na eh.
Nadaanan pa namin si Maja na nag-aayos ng decor dito sa may entrance. Nasa malawak na lawn kami ng inarkila namin na five star hotel. At syempre si Prince Minhyun lahat gumastos at may talent fee rin syempre kami. At may bonus fee pa kapag nagustuhan daw ni Cha iyong ginawa namin. Oh di ba ang swerte ni besplen kay Leader. Ang bungga ng anniversary nila.
"Maja di ka ba mag-aayos? tara sama ka samin." Yaya ko kay Maja.
"Huh nakaayos na ako. Okay na to saken." Kampante na sabi nito.
Napatingin kami sa ayos niya. Sabay pa kami napangiwi ni Ange.
"Maja kahit ngayon lang mag-ayos ka naman. Like duh fairytale motif kaya iyong party." Nagroll eyes pa si Ange.
"Hindi pwede ang naka-jeans. Dapat dress!" Dagdag ko pa.
"Arte naman. Teka okay na ba lahat?" Si Maja na bumaba sa may hagdan na natutupi.
"Oo... tara. Ah Ate ikaw na po muna bahala dito huh. May gagawin lang kami." Si Ange na kinausap iyong organizer na kinontrata nito.
"Sige po maam. I'll take care everything here." nakangiting sabi nito.
"Tara na." Si Ange naman ngayon humihila samin.
Sumakay na kami sa car ko. Syempre wag kayo mainggay huh. Di ko pa kasi nasasabi sa kanila iyong nangyayari sa buhay ko. Baka next time na. Ang alam nila kay Red itong car na pinahiram samin with driver pa. At ang alam nila na nagdadate kami ngayon ni Red.
Pero teka iba iniisip ko ngayon eh. Ang creepy kasi ng ngiti nung organizer. Ewan ko pero nakakagulo ng utak iyong sinabi niya. Baka naman echuserang girl rin iyon na naghahabol sa RPs? Di kaya? Tapos tuwang-tuwa siya kasi masosolo niya ang mga RP kasi aalis kami.
"Sarah! Nahahawa ka na talaga kay Cha. Tulala ka na naman."Ange
"Ah hehehe ano ba kayo! Nag-iisip kasi ako ng magandang ayos mamaya."
"Hayss... grabe maraming pupunta dun mamaya. Mga taga school pati kung sino sino pa. Ang gara talaga ni Prince Minhyun nu?" Maja
"Naku wag kayo mag-alala kami ng my labs ko maggaganito rin. Broadcast Aniversary. Hohoho" Ange na ayaw magpatalo.
... Chazii POV ...
"Ma'am para sa boyfriend niyo po ba?" tanong nung chismosang sales lady.
Tinignan ko ulit iyong ibibigay ko kay gwapo. Then naalala ko na naman iyong tawag niya saken lately. Wife...
BINABASA MO ANG
Silent Queen Book2: Dark World
Fiksi RemajaON GOING EDITING... READ AT YOUR OWN RISK.