#61//: Operation Detective Part 2

236 2 0
                                    

#61//: Operation Detective Part 2

... Ange POV ...

"Ang tagal naman nilang lumabas... Nagugutom na ako." Kumalam na talaga iyong tiyan ko. Mga kalahating oras na rin kasi kami nakaabang ni Cha dito sa labas ng bahay nila Prince Red.

Grabe ang laki nga eh. Di na kataka-taka na isa sa mga RP ang nakatira diyan. Nilingon ko si Cha ng kalabitin niya ako. Mukhang mamamatay na sa pagkainip ang isang to ah.

"Bakit Cha?"

"Ibili mo ko nun...=___=" Turo nito sa mini-van na nakahinto malapit samin. Iyong van ay isang mini burger stand at nagtitinda ng iba pang pagkain.

"Ahh wala ka bang pera?"

"Wala =___=" umiling iling pa ito

Napabuntong hininga nalang ako at pumunta na kami dun sa may Van para bumili ng pagkain nagugutom na rin naman ako. Wish ko lang di maubos pera ko sa lakad na ito.

Nangangalahati na kami ng pagkain ng makita namin bumukas iyong gate ng house nila Prince Red. Hinila ko na agad si Cha at medyo lumapit dun sa may bahay. Halos malaglag pa ang panga ko ng makita ko na nag-uusap sa may gate yung dalawa. May hawak na helmet si Sarah at si Red naman ay nakahawak dun sa may motor niya.

"Cha ano kaya pinag-uusapan nila?" tanong ko kay Cha

"Di ko alam =___=" bored na sabi nito.

Hays pinagpatuloy ko nalang ang pagmamasid hanggang sa sumakay na silang dalawa sa motor at umalis na. Agad agad ko naman hinila si Cha para sumakay ng car na pinahiram saken ng my labs ko. Bongga may driver pa na kasama.

"Kuya pasundan iyong dalawang iyon dali. " Sabi ko sa driver at nakaturo dun sa dalawa. Grabe nakaka-excite pala ito gawin. Feel na feel ko magpaka detective xD

"So bakit kaya andun si Sarah sa bahay nila Prince Red?" Nilingon ko si Cha na nasa tabi ko.

"Tsss di ko alam =___=" Bored na sabi nito at binalik iyong tingin sa cp nito.

Mmph. Tinuloy ko nalang iyong pagsunod ko ng tingin sa sinusundan namin. Huminto sila sa motor park area ng isang mall. Hinintay ko na muna makalayo sila bago kami bumaba ni Cha ng car.

"Pagod na nga ako..." Naka pout na sabi ni bunso kay Prince Red

"Ang angal mo naman future wife..." Naka-smirk na sabi ni Red.

"Yahhh stop calling me like that..." Si Sarah na galit-galitan pero halata naman kinikilig.

Okay convinced na nga ako na engaged na sila. Eh kasi suot nila iyong engagement ring nila. Grabe napapaisip tuloy ako anong krimen ang ginawa ni Sarah para mapikot niya si Red na isang kilalang cassanova. Hihihi gusto ko na rin maging engaged kay my labs xD

Pagtingin ko kay Cha nakatingin lang siya dun sa dalawa na nagkukulitan o let say naglalandiang couple. Mukha nga na somehow palang ang pagka-move on ni bunso. Halata kaya na kinikilig siya at bakit ba ang sweet nilang dalawa?

Huminto sila sa may fruit section kaya medyo huminto rin kami ni Cha. Mukhang ang dami nilang pinamili huh... ano kaya merun?

"Cha talikod..." Tumalikod kami ni Cha kasi biglang tumingin dito si Sarah. Hindi naman kami makikilala niyan siguro kasi sa suot namin ni Cha. Naka leather jacket kami at may makapal na scarf at naka jeje shades at jeje cap. Lahat ito ay galing kay Karen hihihi xD

Paglingon ko paalis na sila sa fruit section at papunta na sa counter. Mukhang tapos na sila maggrocery. Tumagilid kami ngayon kasi nakatingin na naman si Sarah samin. Mukhang nakakahalata na si bunso ah. Lumabas na kami ng department store at dun nalang namin hihintayin sina bunso.

Silent Queen Book2: Dark WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon