#69//: Anniversary Part 2
... Chazii POV ...
After kong makipag-usap kay Sarah ay lumabas na ako. Ini-on ko na rin iyong earpiece na nakuha ko dun sa dalawang babae. May naririnig na ako na mga galaw sa ibang naka-on rin ang earpiece. Pero wala pang nagsasalita. Kailangan ko talasan ang tenga ko para makita agad ung tatlong sniper na nakapalibot lang dito sa hotel.
Normal lang ako naglalakad sa hallway ng hotel. Pasimple akong pumunta sa terrace ng fourth floor. Bukod dito sa building na to ay may dalawa pang building ang nakatayo. U-position ang pagkakatayo sa mga building. Nasa middle building ako. At nasa mgkabila naman iyong dalawa pang building. Sa baba ay makikita ang malawak na lawn ng hotel.
Nilibot ko iyong paningin ko sa mga building. Napahinto iyong mata ko sa may rooftop ng kabilang building. Got you!
Hindi na ako nagsayang ng oras at pumunta na agad ako dun sa pwesto ng isa sa may hawak ng sniper. Hanggang 45th floor ang bawat building. Nag-elevator ako hanggang 44th floor kasi pent house na ang 45th floor. Sa fire exit ako dumaan paakyat ng rooftop.
Pagdating ko sa rooftop ay nagtago muna ako sa mga naglalakihang stainless drum. Kinuha ko na rin iyong baril ko na nakaipit sa hita ko. Saka ako sumilip sa target ko. Tss kung sinuswerte ka nga naman two in one pa ang nakita ko.
Isang lalaking nakamahabang coat na itim at bonet ang nakapwesto dun sa may sniper at iyong isa naman na lalaki ay nakatayo doon sa may likod nung isang lalaki at mukhang may kausap sa cellphone.
Dahan-dahan akong lumapit sa may pwesto nila. Huminto ako dahil sa tingin ko rinig ko na ang usapan nila dito sa pwesto ko.
"Limang Hwang ang dadating sa event mamaya. Huwag ka mag-alala boss sisiguraduhin naming makukuha natin ang gusto natin ngayon. Kung hindi man ay limang Hwang ang papanaw sa mundong ito. Opo... huwag po kayo mag-alala sisiguraduhin namin na di madadamay si young lady at ang fiance nito... sa tingin ko po ay hawak na nila ang girlfriend nung isang Hwang... gagawin naming alas iyon kung sakali—- Ah shit!"
Napabitiw ito sa hawak nito phone dahil pinatamaan ko ito sa kamay kung saan hawak nito ang phone. Inasinta ko rin diretso sa ulo iyong isang lalaki na nakahawak sa sniper. Kitang-kita ko na nagulat iyong lalaki. Sunod kong ipinutok iyong baril doon sa may earpiece niya na sa tingin ko ay naka-on. Buti nalang may silencer ang baril ko para di magtaka iyong ibang nasa kabilang line nung earpiece.
"The heck! You bitch—-" iniangat nito iyong tingin nito para tignan ako.
"I-ikaw? Ikaw ang babae nung isang Hwang..."
"Why do you want to kill the Hwang? =__=" Itinutok ko ulit ang hawak ko sa kanya.
"Psh... I am not stupid enough to tell you everything." Mahinahon nitong sabi saka ngumisi saken.
"Okay. Maybe this one will help you to speak. =__=" Pinatamaan ko ng tatlong beses ang kaliwa niyang hita.
Halos maiyak naman sa sakit ang lalaki. Tulad kanina pinilit ko tigasan ang pakiramdam ko. Iniisip ko nalang na para sa proteksyon ng iba itong ginagawa ko. At isa pa mga masasamang tao naman sila kaya hindi nakakakonsensya na alisin ko sila sa mundong to.
"You! Your not going to know —-"
"Speak! =___=" Pinaputukan ko ulit siya.
"Tama na!! Stop it..." Maluha luha na ito sa sakit.
"Speak =___=" Mariin na ulit ko sa sinabi ko kanina.
Magsasalita na sana ito ng may bumaril sa may hagdan sa gilid ng rooftop.
BINABASA MO ANG
Silent Queen Book2: Dark World
Teen FictionON GOING EDITING... READ AT YOUR OWN RISK.