#67//: Live in Part5: Baby Miki
... Chazii POV ...
"Cha!! Yuhoo .. Hello..!" Yung taong kumakatok dun sa pinto.
Nasa moment of seriousness kami tapos biglang may eextra. Tss! Panira ng moment. Tinignan ako ni Oppa at sinenyasan akong buksan iyong pinto. Nasa kusina na kasi ito at busy sa ginagawa nito. Double tss. Bakit ako? Bakit hindi nalang si Sarah?
"Bilisan mo Cha. Baka mainip iyon at umalis." Sarah na panay ang kain ng cookies na kinuha nito sa ref.
So ano pa nga ba magagawa ko? Kaya napilitan na ako tumayo at buksan ang pinto na hindi naman naka lock.
"Cha! Sabi na andito ka eh." Si Karen lang pala. Ano naman kailangan nito? "Ah kailan talaga sumigaw?! Andito siya." Karen na mukhang may kaaway sa cellphone nito.
Sinong andito? Saka kumatok lang ba siya para maghanap ng audience sa pakikipagtalakan niya sa kausap niya? Isasara ko na iyong pinto ng marinig ko iyong sinabi niya.
"Cha galit na daw iyong asawa mo." Si Karen tapos nakipagbangayan na naman sa kausap nito.
Tumingin ako kaliwa-kanan-likuran ko. Wala namang ibang tao dito ahh... So ako iyong Cha na tinutukoy nito na may galit daw na asawa? Tss. Adik yata ang isang ito eh. Kailan pa ako kinasal?!
"Hay ang gulo niyo. Pati ako naiistorbo. Cha pakisabi sa asawa mo mas gwapo boses ni JR. Geh bye." Karen na lumipad na paalis gamit ang planggana nito =__=. Seryoso may dala talaga siyang planggana.
Wala akong naintinddihan sa pinagsasabi niya. At sinong JR? Artista ba yun? Ah ewan. Bumalik na ako kay Oppa at Sarah na nagtatawanan sa sala.
"Cha di ka pa ba uuwi?" Sarah na yumakap na naman sa braso ni Oppa.
"Tss. =___=" Umupo ako sa sofa at kumuha ng babasahin. Nauumay ako kay Sarah at Oppa.
"Wala nga yata balak umuwi Oppa."
"Di ba bukas na alis nun?"
"Yeap Yeap Yeap. Sayang naman ang time nila together kung di uuwi dun si Cha. Naku baka mainis si Prince at maghanap ng iba."
Napatigil ako sa paglipat ng page ng magazine. Shit! Bukas na pala alis nung Gwapo ko. Nawala sa isip ko! Di ko pa nabibili iyong ibibigay ko sa kanya. Great! Sarap sakalin ni Sarah! = 3 =
"Babalik na ako sa pad. =___=" Umaktong normal lang ako. Kunyareh di ko narinig pinag-usapan nila. Kunyareh di ko nakalimutan na bukas iyong alis ni Gwapo. Kunyareh di ko nakalimutan na sabi niya anniversary namin bukas. Sept.30 (Sept.30 pumayag nun si Cha magpretend na sila ni minhyun. So gusto ni Minhyun iyon pa rin ang kanilang official chenez xD)
"Cha! Tulalay ka na naman! Tara na hatid ka na namin ni Oppa." Sarah na hinila na ako patayo.
... Minhyun POV ...
Nagising ako dahil sa ingay ng ringtone ko. Kinapa ko iyong bedside table para kunin iyong cellphone. Tinignan ko kung sino iyong tumatawag.
Butler San calling...
"Zup?" bati ko dito. Bati ng naistorbo sa tulog yan.
(Master sorry to interrupt your sleep.)
"It's okay. Drop the news now."
(Ah I just arrived here Master...)
"And?"
(And ah...)
"Stop the suspense! What is it?"
(Im with Lady Quel. And she want to see you now.)
Napabangon ako sa higaan ko.
BINABASA MO ANG
Silent Queen Book2: Dark World
Teen FictionON GOING EDITING... READ AT YOUR OWN RISK.