... Chazii POV ...
Inayos ko iyong gamit ko sa bag bago ako lumabas ng room namin. Next class ko na so iba na naman ang room namin. At sa next subject ko ay classmate ko si Sarah. Tss... iingay na naman ang buhay ko.
Pagdating ko sa room namin ay dalawa palang iyong tao. I don't know them okay. Dumiretso na ako sa likod na upuan, favorite spot ko sa claassroom. Kinuha ko iyong cp ko at isinaksak yung earphone ko dun. Nag-scroll sa play list ko at nung makakita ako ng bet kong kanta ay pinindot ko na ung play button.
(Playing: The Vamps "Can we dance")
Patapos na iyong kanta ng bet na bet kong band ngayon na The Vamps nang dumating si Sarah. Nakita ko using my peripheral vision si Sarah na umupo sa may bandang unahan ko. Ilang beses rin ito nagbuntong hininga. Di ko mapigilan magtaka kasi tuwing classmate ko ito ay laging umiingay mundo ko. Paano kasi ang daming baon niyang kwento na halos di maubos ubos. Pero ngayon ni hindi ako binati.
*deep sigh*
*nangalumbaba*
*nagkamot ng ulo*
*sinambunutan iyong sarili*
Teka di kaya problemado ito? At ang problema niya ay iyong ulo niya kasi may kuto? Shit! Baka naman mahawa ako niyan. Hindi ko na papahiramin ng suklay itong si Sarah.
"WHAAA AYOKO NA MABUHAY!!!" Biglang burst out nito.
Napatingin kami kay Sarah na bigla nalang sumigaw at pinaghahampas iyong desk niya. Dapat na ba ako tumawag sa mental? Dahil lang sa kuto ayaw na niya mabuhay? Minsan talaga napaka weak rin nitong chanak na to eh.
"Balle iyong kaibigan mo nawala na yata sa katinuan..." bulong saken nung kalapit ko sa upuan.
"=___=" tinignan ko lang siya with my usual look at binalik ko rin iyong tingin ko agad kay sarah.
*murmurmurmur*
Di ko maintindihan iyong mga pinagsasabi ni Sarah kasi mahina lang pagkakasabi niya pero ang dami talaga niyang hinaing sa buhay.
Nanatili lang ako nakatingin sa likod niya. Di ko kasi alam kung lalapitan ko siya kasi di ba kaibigan ko kahit paano yan. At kung lalapitan ko ano naman kaya ang sasabihin ko? Oh di ba mamaya mapahiya pa ako kaya nanahimik nalang ako dito sa upuan ko.
-----
Inilapag ko na muna iyong hawak kong mga libro para lapitan si Gwapo. Nahiya naman kasi ako sa mala-hari niyang pakakaupo sa sofa namin habang naglalaro ng games sa tablet niya.
"What took you so long eoreum ko?" tumingin lang siya saken saglit at binalik rin ang tingin sa nilalaro niya.
"Tss... sinamahan ko lang si Sarah. =___=" Umupo ako sa kaharap na sofa at inisip ulit iyong napag-usapan namin ni Sarah. Hindi pala ung ulo niya yung problema niya. Iyon pala ay iyong buhay kalandian niya. Alam na kaya ni Gwapo iyong kay Sarah at Red? Tumingin ako sa gwapo ko na busy sa nilalaro niya.
"Psst! =____=" sitsit ko sa kanya.
"Yes eoreum ko? " Di man lang tumingin saken? Minsan talaga gusto ko na basagin iyang tablet niya ehh. Kasi kung hindi si Clarisse yung pinagkakaabalahan niya, aba iyang tablet naman!
"Akin na yang tablet =___=" Inis na sabi ko dito.
... Minhyun POV ...
Napatingin ako kay eoreum dahil dun sa sinabi niya. Bakit naman niya kukunin iyong tablet ko?
"Akin na =____=" Walang emotion na sabi nito habang nakalahad saken kamay niya.
"Teka mamaya ka na eoreum tatapus——— SHIT!! NAMATAY TULOY AKO!!!" Inis na sabi ko sabay tingin kay eoreum.
BINABASA MO ANG
Silent Queen Book2: Dark World
Teen FictionON GOING EDITING... READ AT YOUR OWN RISK.