#63//: Live in Part 1: Dream

192 3 0
                                    

#63//: Live in Part 1: Dream

... Minhyun POV ...

"Bakit ngayon ka lang?! =___="

Literal na nanlaki ang singkit kong mata na kanina antok na antok na. Ilan beses ako kumurap kasi baka epekto lang ng naiinom ko kaya ganito nakikita ko.

"Eoreum ko...  Are you real?" Ano ba kayo baka nananaginip na pala ako di ba. Once in a blue moon naman kasi pumunta yan si Eoreum dito sa pad ko at madalas ang tagal ko pa pilitin yan pumunta dito.

"Tss =___=" Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa saka nag cross arm. Mukhang upset na upset siya.

"Eoreum-"

"May pagkain sa kitchen mo. Kumain na tayo ..." Dumiretso na si Eoreum sa kitchen at ako naman nakasunod lang. Bahagya ko kinurot ang pisnge ko... Masakit. Meaning hindi ako nananaginip.

Pgdating sa kitchen area ay may pagkain nga. Sakto di pa ako nakakakain talaga ng dinner. Umupo na si Eoreum ko kaya umupo na rin ako. Ready na yata kanina pa itong pagkain namin sa table ko.

"Saan mo binili ito Eoreum?" Nakangiti kong sabi. Mukhang masarap eh amoy palang.

"Dito yan niluto... =___=" Nagsimula na rin kumuha si eoreum ng pagkain niya.

Ako naman natigilan sa pagsandok ng ulam. Bigla akong nag-alangan kumain. Takte si Eoreum nagluto nito? Di kaya matuluyan na ako kapag kinain ko ito? Tinignan ko si Eoreum. Sumandok na rin siya ng ulam. Usual lang naman iyong itsura niya. Kakain rin si Roreum... so if ever dalawa kaming papanaw dahil sa luto niya? Pss eh ayaw ko pa mamatay.  Pero come to think of it.  The very first time na nilutuan niya ako...  Pareho kami kumain pero ang ending ako lang ang halos mamatay sa food poisoning.

"Ayaw mo ba? =___=" Medyo takang tanong ni Eoreum. Nagsimula na ito kumain habang nakatingin saken.

"Huh? Ahh ano--" Napangiwi ako habang nakatingin sa mapanglinlang na pagkain sa harap ko na mukha naman masarap pero---

"Tsss. Si Sarah nagluto niyan. Safe naman yan dahil nakita ko wala naman siyang kakaibang nilagay diyan =___=" Casual na sabi ni Eoreum at nagsimula na kumain.

"Ahehe may naalala lang ako Eoreum. Kakain naman talaga ako. Ayaw ko naman na kumain ka alone. " Palusot ko at nagsimula na rin kumain. Abah swerte ni Red dun sa tsanak na yun ahh. Masarap magluto ehh. Oo natikman ko na luto ng tsanak na yun...  Hopefully maging ganun din ang mahal ko.

"Masarap huh. " Masaya kong komento habang kinakain ang karekare na nasa plato ko.

Nakita ko naman natigilan si Eoreum. Pero saglit lang kasi tinuloy niya na ulit iyong pagkai niya. May nasabi ba ako na nakaka-offend? Parang wala naman.

"Ays kamsa Im full!" Sabi ko matapos kami kumain.

"Ako na maghuhugas =__=" Presenta ni Eoreum sabay tumayo na at nagsimula ligpitin ang pinagkainan namin.

"Sure ka? Ako na lang kaya? " Sabi ko kasi baka maubos iyong gamit ko dito sa kitchen. Nag-aalala lang naman ako kay Eoreum baka malay natin masugatan siya.

"Kaya ko... doon ka na sa sala =___=" Sabi ni Eoreum habang nagsusuot ng apron. Bahagya itong humarap saken at mukhang may gusto sabihin pero agad din ito tumalikod at hinarap ang lababo.

"Timplahan kita ng kape after ko maghugas." Saad nito habang nagsisimula na maghugas ng plato.

Ngumiti naman ako. Jebal! Kinikilig ako hahaha. Wife na wife na ang Eoreum ko ehh. Pwede na maging totoong asawa ko.

Silent Queen Book2: Dark WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon