#71//: Anniversary Part 4
... Chazii POV ...
Sinundan ko ng tingin iyong umalis na si Gwapo hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Napahawak ulit ako sa sugat ko. Kumikirot na naman kasi. Baka siguro dahil magalaw ako.
Mag-isa nalang ako dito sa table—- di na pala kasi may umupo sa may harap ko. Si Clarisse. Ano na naman kailangan ng isang to?
"Don't you like the party?" Tanong nito saken habang nakataas ang kilay.
Di ko siya sinagot. Uminom nalang ako ng tubig. Sa totoo lang sobrang nanghihina na ako ngayon na gusto ko na tumumba.
"Kanina ko pa kasi kayo tinitignan ni Minhyun. Nag-aalala na yung tao dahil baka di ka naman nag-eenjoy. Alam mo ba na pinaghandaan talaga ito ni Minhyun." Sabi nito habang nakatingin saken ng seryoso.
"I know =___=" Pinigilan ko mapangiwi dahil sadyang kumikirot iyong sugat ko.
"Honestly speaking Chazii naiinis pa rin ako sayo. Di ko talaga alam kung bakit mahal na mahal ka ni Minhyun. Pero tinanggap ko na iyon. Pinaubaya ko na siya sayo. Sana huwag mo masyado binabalewala iyong ginagawa niya para sayo." Seryosong sabi nito.
"Tss. =___=" Mukha bang binabalewala ko iyong ginagawa nito? Kung binabalewala ko edi sana di ko na pinakilaman ang mga killer na yun sirain ang party na to. Daldalita.
Inismiran pa ko nito bago tuluyang umalis. Nagsipuntahan na rin sa may harap ng mini stage ang mga andito sa party dahil nagsimula nang magperform ang mga kaibigan ni Gwapo.
"Cha!! Okay ka ba huh?" Si Sarah na tumabi agad saken. Nagising na din sa wakas ang isdang ito.
"Yeah. Ikaw? =___=" Mabuti naman at buhay pa ang isang ito. Nakonsensya tuloy ako nung iniwan ko siya kanina.
"Okay naman ako. Sorry pala kanina palpak ako huhu.." Si Sarah sabay nguso at puppy eyes saken.
"Ok lang. =___=" Tumingin na ko sa stage. Ayoko na kasi isipin pa iyong gulo kanina.
"Kyahhh!!! Nagsisimula na pala sila!!" Tili ni Sarah habang naglalabas ng video cam.
Nagsasayaw lang naman yung apat na friend ni Gwapo ng gangnam style. Topless at naka-necktie. Ayos sa porma eh nu. Tss. Nasa harap ng mini stage iyong table namin. At talagang di humarang sa harap namin iyong mga audience dito. Nahiya siguro.
"And now lets give a big hand to our one and only RP Leader!!"
Tingin agad ako sa stage. Naka-polo na ng puti si Gwapo at ang nag-iisang design sa polo niya ay ang isang strawberry heart na may smiley face sa bandang left chest niya. Parang yung pinauso lang ni vice ganda na heart sa polo haha. Naka-black pants pa rin naman si Gwapo tulad ng suot niya kanina. Di ko lang alam kung matatawa ako sa suot niya sa ulo niya na head cat. Effort na effort ang Gwapo ko.
"Eoreum pay attention! Di ko na ulit to gagawin." Sigaw ni Gwapo habang nakangiti saken.
Nginitian ko nalang baka malugi eh. Maya-maya umakyat na rin ng stage iyong tatlo pang pekeng prince. Si Aron, Baek at Tei. Nakapolo na rin sila ng puti tulad ni Gwapo.
Then biglang tumugtog iyong FALLING IN LOVE ng 2NE1. Di nga? Sasayawin nila iyan? Tinignan ko naman si gwapo na pumosisyon na. Wee?? Sasayawin nga nila?! Tumingin pa saken si Gwapo at nag-mouth na para sayo.
Favorite ko iyang kanta ng 2ne1 kahit di ko naman naintindihan. Basta Im on korean pop songs eh. At hayan nga naghiyawan na ang mga tao kasi bukod sa sumasayaw sina Gwapo ay naglilip sinc pa sila. At talagang kabisado nila iyong lyrics pati cheoreo... haha ang galing!
BINABASA MO ANG
Silent Queen Book2: Dark World
Novela JuvenilON GOING EDITING... READ AT YOUR OWN RISK.