#73//: Diane Lei Mendez
... Casselle POV ...
"Girl may idea ka ba kung bakit ako pinatawag ni boss?" Tanong ko dun sa kasamahan ko.
"Idk. Just go para malaman mo." Sabi saken nito at nginuso pa ang office ni boss.
Nagtataka lang ako. Kasi alam ko nagpapatawag lang si boss kapag may di ito nagustuhan sa ginawa namin. Kinabahan tuloy ako. Katapusan ko na ba ito?
"Cass pumasok ka na daw!" Tawag ng isa sa mga guards ni Boss.
Iniwan ko na iyong mga kasama kong naglalaro ng cards. Pumasok na agad ako sa office ni Boss. Actually pangalawang beses ko palang ito na makakausap ng kami lang si Boss. Nakakatakot kaya siya.
Pagpasok ko ay bumati agad ako. Nakatalikod saken ang swivel chair ni Boss.
"Boss? Good Day po." Puno ng paggalang kong sabi.
Humarap naman agad si Boss at tinignan ako. Grabe tuwing titingin siya saken feeling ko nanlalamig na ako. Sumenyas ito na maupo ako sa harap ng table niya.
Ito nga pala ang main headquarter ng grupo namin.
"B-boss may nagawa po ba akong di niyo nagustuhan?" Kinakabahan kong sabi. Wala kaming kinatatakutan bilang isang assassin maliban nalang sa boss namin.
"I observe that your one of the well-trained assassin here. Relax Im not going to kill you— not unless you fail this mission." Seryosong sabi nito at nilapit sa pwesto ko iyong isang black envelope.
"Mission po? Its my pleasure to do it boss." Masaya kong sabi.
Isang malaking karangalan ang makatanggap ng mission at lalo na direct na inassign ka pa ng boss. Marami na akong mission na nagawa at napagtagumpayan pero iyon ay puro group mission. Ngayon palang ako nakatanggap ng mission na direktang utos ni Boss.
"The mission is not that hard to do. Don't you want to see what's inside of that envelope first?" Nakataas kilay nitong sabi.
Kaya agad ko naman tinignan. Isang litrato ng babae na stolen shot ang laman ng envelope. Pero malinaw ang mukha nito. At agad napakunot-noo ako dahil natatandaan ko kung sino ito.
"I know you know her so I assign her to you." Nagsindi ng sigarilyo si Boss at nagsimulang manigarilyo.
"Yeah. Siya iyong kaibigan ng ex ni Edward. Do you want me to kill her?" Tanong ko. Nagtataka nga lang ako kung bakit itong babae na ito na isa lamang ordinaryong tao ang mission ko ngayon.
"On contrary I want you to keep her safe. Keep an eye on her and report everything you find out about her. That's your Mission Ms.Ross."
... Diane POV ...
"Bakit ganun? Gumalaw na iyong daliri ni Cha eh. Bakit di pa rin siya gumigising? Sa mga napapanuod ko nagigising na sila dapat eh." Si Sarah na panay lakad sa loob ng room ni Cha.
Tinignan ko naman si pinsan. Di ko nga rin alam bakit di pa rin bumabangon ang bruha na yan. Isang linggo na siyang tulog ah.
"Sarah pwede maupo ka?" Nakangiti kong sabi dito.
Nag-aalala rin ako pero ayaw ko naman ipakitang mahina ako kaya I keep smiling para ipakita sa kanila na tiwala akong okay lang si Cha.
Linggo na ngayon. Walang activity si Oppa kaya andito siya ngayon.
"Sarah you need to rest. Hagard ka na oh. Sige na pahinga ka na dahil may pasok ka pa bukas. Kami na muna ni Oppa bahala kay pinsan." Sabi ko dito.
BINABASA MO ANG
Silent Queen Book2: Dark World
Teen FictionON GOING EDITING... READ AT YOUR OWN RISK.