#62//: The Royalty Prince
... Sarah POV ...
Pabagsak kong iniupo sa couch iyong katawan ko. Napagod talaga ako sa pinaggagawa namin ni Red ngayon. Sobrang napagod talaga ako *pout*.
"Anong gusto mo kainin?" Tanong niya habang nagsscan ng food sa menu.
"Kahit ano basta masarap." Tamad na sagot ko.
Andito kami ngayon sa isang restaurant para mag-dinner. Tinignan ko si Red. Back to normal na naman kami. Iyong sweetness namin kanina ay jokey jokey lang. Huwag na kayo umasa na magiging makatotohanan iyon.
Nalaman kasi ni Red na may tao na inutusan si Lolo para tignan iyong samahan naming dalawa. At kung hindi maganda papasunurin nila kami sa Seoul at doon na kami for good. Wala kasi si Lolo dito at iyong Lolo ni Red, andun sila sa SoKor ngayon. Akala nga namin chance na namin iyon para maghiwalay kaso narinig nga ni Red iyong usapan ni grandfa at lolo niya. So dahil ayoko sa SoKor at ganun din siya, tinuloy na namin iyong truce namin.
At dahil sa Mansiyon lang ang breather namin, nagpasya kami ni Red na wag na magpa-stay-in ng maid. Bale twice a week nalang pupunta ang maids dito para maglinis. Sabi kasi ni Red di kami nakakasiguro kung one of the maids ay spy pala nila grandfa.
May point rin naman siya kaso ang problema namin lagi ay pagkain. Nagsasawa na nga kami kaka-order o kumain sa labas which mag-aact na naman kami ng sweet.
"Sa tingin mo andiyan pa sila?" Bulong ko kay Red.
Lumingon-lingon naman ito bago binalik iyong tingin saken. "I don't think so."
Sa ilang araw kasi na lumabas kami ni Red, ngayon lang namin nahuli iyong Spy nila grandfa. Ang weird nga eh kasi kung iyong mga nakaraang araw wala kaming nakita ni Anino nila, ngayon abah obvious na obvious sila. At nung nasa department store kami, napapatingin talaga ako dun sa mga spy kasia bakit parang pamilyar sila saken? Ang weird ...
"Saan mo pala nilagay iyong mga grocery natin?" Casual na tanong ko sa kanya.
"Sa Car... bakit ba ang daldal mo na naman?" Nakangisi nitong sabi.
"Mmmp! Nagtatanong lang ako... ang tagal naman ng order mo. " Binigyan ko ito ng super pout ko
Kaysa kausapin ko ang isang ito, nilibot ko nalang iyong tingin ko sa Restaurant. Puro pinoy delicacies ang andito kaya dito ko napili. Tagal pa ng pagtatalo namin ni Red kasi gusto niya sa Italian Restaurant.
"Red? Oh you're here babe!"
Napatingin ako dun sa babaeng kabute na bigla nalang sumulpot sa tabi ni Red.
"Oh babe you're here too." nakangiting sabi ni Red.
"Long time no see...hindi nakita nakita sa Club huh.." Anak ng tokwa nagpa-cute pa.
"Busy kasi ako these past few weeks... But don't--"
"Matagal pa ba iyong order mo future husband?" Plastic kong nginitian iyong dalawa. Nakalimutan yata nila na may nakaupong magandang binibini dito sa harao nila. Nangigigil na naman ako dito sa haliparot na lalaking ito. Hanggang dito ba naman may kalandian siya?!
"Ahh dun ka sa chef magtanong future wife ..." nakangisi nitong sagot.
"Wait Babe who is she? Pang number what mo?" Takang sabi nung kabuteng babae.
"Im his only one future wife Miss. And if you don't notice your disturbing our dinner date..." Mataray kong sabi dun sa kabuteng babae.
"Excuse me muna... " masama kong tinignan si Red na parang tangang ngingisi-ngisi. Pang-asar talaga bwiset!
BINABASA MO ANG
Silent Queen Book2: Dark World
Teen FictionON GOING EDITING... READ AT YOUR OWN RISK.