Chapter 20✔️

306 5 0
                                    

Isang bwan narin ang naka lipas matapos ang pag confess ni Rash ng kanyang damdamin.

At isang bwan nya na rin akong niligawan. Walang may nakaka alam na nililigawan nya ako at kapag sa mansyon naman nila, ganon parin isa parin akong katulong at pinag sisilbihan sya at pati ang kanyang pamilya. Pero hindi ko mapag kaila na desidedo talaga si Rash sa ginagawa nya at talagang seryuso sya na ligawan nya ako kahit di hamak na Anak ng katulong lang ako at sya ay amo ko.

Papasok kami ngayun sa School at sya naka sunod lang sa likuran ko.

"Aray!" Napasigaw ako sa sakit ng hinila nya ang buhok ko.

Inis ko syang tinignan.
"Problema mo?!"

Pero ang gago nginisihan lang ako, kaya sa sobrang inis ko sinipa ko ang tuhod nya na kinabigla nya at sapo sapo ang tuhod na masakit.

Muka syang iwan sa muka nya. Ganyan po araw araw bonding namin kaya wag na kayong mag taka.

Natawa ako sa itsura nya na hindi na mapinta.

Tumayo ito at nasa kiliran nya ang dalawang kamay.
"Tuwang-tuwa ah, wag mo nga ipahalata na masaya ka saakin." Biglang sabi nya.

Napa hinto ako sa pag tawa at sama nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ang sinabi nya.
Mahina sya natawa sa itsura ko.

Feel ko na ngangamatis ako ngayun sa sobrang kapulahan.

A-at kailan pa sya m-marunong b-bumanat?

"Oyy speechless, kilig ka'no?" Pang aasar nya pa saakin na kina pula ko pa lalo.

Lupa pa request. Lamunin mo na ako ngayun din!!!

"Che! sino nag sabi? hmp!" Inismiran ko sya at nag patuloy na sa pag lalakad, nilingon sya uli pero naka ngiti lang ito na parang timang.

"Oh? ano pa ginagawa mo? tara na!" Sigaw ko dahil malayo layo narin pala ako sa kanya.

Umiling iling ito na nilapitan ako at inakbayan.

"Tsk, hindi dyan ang daan Babae." Hindi parin mawala sa mga labi nya ang matamis na ngiti.

huh? pahiya ako don ah.

Tumahimik nalang ako habang sya hindi parin tinatangal ang pagka akbay saakin hanggang sa pumasok kami sa Room at mukang gulat na gulat ang mga muka nila.

Siguro dahil ngayun lang nila kami nakita na close close talaga dahil minsan ay palagi pala ang aaway kami ni Rash kaya para sa kanila mag Enemy kami.

Haha.

4 Months nalang pala graduation na namin pero matagal pa naman at sa apat na bwan posibling marami pang mag babago.

Dumating na yung Teacher namin at nag simula ng mag turo. Hindi rin nag tagal natapos ay sumunod naman ang Math teacher namin hanggang sa Lunch Break na.

"Yes! Tara sabay tayo kumain." sabi nya at tumango naman ako at dinala ang bag ko. Pero nabigla ako ng inagaw nito saakin. "Ako na!"

Kaya wala na akong magawa at sumunod nalang sa kanya papuntang canteen.

Humanap ako ng vacant table at doon nilagay ang pag kain namin na dala.

"Sarap talaga ng menudo nila dito, no?" Anya na may nginunguyang menudo.

Ngumiti ako at tumango totoo naman na masarap ang menudo nila dito at sa pag kakaalam ko paborito ito ni Rasheed.

"Rash, sabi nga pala kahapon ni Chairman saakin pa bantayan raw kita." Pag sumbong ko at kumain.

Tumaas naman ang kilay nya at natawa.
"Tsk, talaga sinabi nya yun." Hindi iyun patanong.

Tumango nalang ako at ngumiti.

Busog na ako.

"Hoy, ubusin mo nayan para maka pasok na tayo." Sabi si Rash habang umiinom ng tubig sa tumbler nya.

Umiling ako at inusog ang pag kain palayo sa akin.
"Ayoko na, busog na ako e."

Sinamaan ako nito ng tingin at kinuha ang pag kain ko.
"Ubusin mo, oh." Nilahad nito ang kamay na merong kutsara at may laman na kanin.

Umiling uli ako.
"Ayoko na talaga, busog na ako." Naka nguso kong sabi sa kanya.

Malaki na ang tyan ko dahil sa rami ng kain ko pero may natira pang kanin at ulam.

"O sige uubusin ko nalang tayo at sabay na tayo bumalik sa Room." Anya at nag simulang kumain muli.

Pero ang kinabigla ko ng kutsara ko ang ginamit nya.

Indirect kiss ba tawag don? pereng tenge nemen sye e.


A/N: HAHAHA pano yung " pereng tenge nemen sye e? " HAHAHAHA Lt ka kiz.

ay pa follow po pala yung tiktok ko. Un: pnkyvry_ yan po.

thank youuuu😘

Na enjoy nyo ba? kung ganon wag kalimutang mag comment at mag vote para sa susunod na Chapter.

p/s comment your thought about this story.

And please help me to promote my story by recommending in FB, tiktok, any social media. I highly Appreciate it! Thank you.

++Don't forget to vote, comment, and share (●♡∀♡)++

#pinkiyvery_stories

THE DAUGHTER OF OUR MAID ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon