Prologue

64.7K 1.3K 264
                                    

"Ivo, punta ka sa bridal shower ko, ah?"

Nabugahan si Lulu ng iniinom kong tubig, dahilan upang tumili siya at paghampas-hampasin ang braso ko.

"Yuck, Ivo!" sigaw niya, nagpapanic at kaagad na kumuha ng tissue para punasan ang nabasa niyang braso.

"Baliw ka ba?" tiningnan ko siya nang maiigi. Ano bang nakain ng babaeng ito?

"Anong baliw?! Ang dugyot mo, ah!" Lulu is frowning at me now while pulling an alcohol spray from her bag. Tumaas ang kilay ko nang todo pahid at kuskos siya doon sa braso niya.

"Anong gagawin ko sa bridal shower niyo? Hindi naman invited ang mga lalaki d'yan. Tsaka, hindi ako umiinom! Baka gawin niyo lang akong pulutan!"

Binato sa akin ni Lulu ang tissue box na kaagad ko namang nasalo. I grinned and placed it at the back of the sofa. When I turned, my face got hit with another tissue box.

I sighed. "Luanne..."

"Wala naman akong pakialam sa tradition-tradition na yan!" nagmamaktol ang boses nito at halatang hindi natutuwa sa nauna kong sagot sa kaniya. "Eh ano ngayon kung naroon ka sa bridal shower ko?! Boy best friend kita, eh!"

Nagkamot ako sa batok. How can I refuse her? Ever since we were kids, Lulu always got what she wanted from me. I don't actually remember when we began to be best friends but I remembered my childhood as something that I solely spent with her.

And... she's pregnant. Mahihindian ko ba 'to?

"Ingay niyo." Karylle stepped out of the kitchen, carrying a huge bowl of popcorn. Inilapag niya ito sa coffee table at kinuha ang remote ng TV. Prente niyang ipinatong ang mga paa niya doon habang namimili ng channel na panunuorin.

"Feel at home, ah?" sarkastiko kong wika sa kaniya. Kakalinis ko lang ng lamesang yan, eh! Gusto kong batukan si Karylle pero hindi ko naman magawa. She just grinned at me.

Karlo chuckled, opening my fridge. Nagulat ako nang bigla nalang itong sumulpot dito sa condo ko. Paano nakapasok 'tong ugok na 'to at bigla nalang nambubukas ng ref ng iba?

Ginulo ko ang buhok dahil sa frustration. Alas syete pa lang ng umaga, eh! Bakit andami-dami ng tao sa condo? Tambayan ba 'to ng bayan? Bad trip naman...

"Yari, talk to him! Ayaw niyang magpunta sa bridal shower ko!" sumbong kaagad ni Lulu.

"Ay, baka takot makita ang TOTGA niya," tumawa nang malakas si Karylle. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. "Don't worry, Ivo. She won't be there. Hindi nga sure kung makakapunta siya sa kasal ni Lulu, eh." Binalingan niya si Lulu na mukhang maiiyak na sa kabilang sofa. "Ano nga ulit ang sabi niya, Lulu, nung in-invite mo?"

"Try ko lang." Lulu tried to mimic her voice. "Try ko lang means hindi ako makakapunta, diba?"

Karylle chuckled while I sat uncomfortably on my seat, thinking about her.

"Hayaan na muna natin. She's still grieving. Malamang ay ayaw pa niyang bumalik sa Pilipinas dahil sa nangyari."

Hindi na ako nagsalita at hiniling na sana ibahin nalang nila ang usapan dahil bumabalik na naman lahat ng alaala ko sa kaniya. I can't believe the memories I shared together with her are just... memories. It isn't my reality anymore. Not when we are oceans apart.

"Punta ka na, Ivo, wala namang magbabawal sa iyo, eh," Karlo teased. Sinamaan ko ng tingin ang gago at pinag-isipan kung ibabato ko ba 'tong tissue box sa kaniya. "Wala ka pa ring girlfriend diba?"

Umiling ako. Wala naman talaga.

"Deserve."

"Pakyu!" binato ko na talaga siya ng tissue box at inis na binalingan si Lulu. Naka-puppy eyes pa. Bumuntong-hininga ako nang malakas. Alam kong pagsisisihan ko 'to habambuhay pero... si Lulu 'to eh.

Sa huli, nakaladkad nila ako sa bridal shower ni Lulu. Ayoko sanang pumunta, kahit na maglupasay pa si Luanne sa sahig, pero wala din akong nagawa. Sobrang awkward dahil ako lang ang lalaki roon at pinagkakatuwaan ako ng mga kaibigan ni Lulu.

"Pwede ba 'tong i-bring home, Lulu?!"

"Grabe, sana pala hindi na nag-hire ng macho dancers! Pwede na 'to!"

Lulu swatted her friends away like she'd swat a fly and I'm grateful for it. Alanganin lang akong nakangiti habang todo video naman ang mga kaibigan ko, halatang pinagti-tripan lang ako.

"Ivo, salamat..." Lulu sincerely thanked me that night after the party is over. Nagiging emosyonal na naman siya ngayon kaya kaagad ko siyang niyakap.

"Walang problema, malakas ka sa akin, eh..." bulong ko sa kaniya sabay hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

I can't believe she's going to get married and start a family. The girl I had been with half of my life... the friend of my youth. She's really getting married.

"Dad..." she started sobbing. "I can't believe Dad is not going to walk me in the aisle, Ivo,"

Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya. Alam ko na kaagad kung bakit niya ako gustong dalhin dito sa bridal shower niya. I wanted to fill in the hole that her Dad left but I know it's impossible. I may be there to show up, but I can never give her the warmth of her father.

"I'm sure he's happy for you," I whispered.

When the day of the wedding came, Lulu cried again in the bridal car while I waited outside. Binuksan ko na ang pinto at inakay siya palabas.

"Lulu naman, ang mahal ng makeup mo, eh! Huwag kang umiyak!" wala na akong ibang maisip para tumahan siya kaya yun nalang ang sinabi ko.

Umatras ang luha ni Lulu at hinampas-hampas ako kaya naman napaatras pa ako pero hawak ko pa rin ang braso niya. She looked stunning today, in her dream wedding dress, standing in front of her dream church and of course, marrying the man of her dreams. Gaya nga ng sabi ko, sobrang saya ko para sa kaniya. Hindi ako yung tipo ng best friend sa mga McDo commercial na ilalakad ang best friend sa kasal tapos secretly in love pala. Genuine ang saya ko para sa babaeng ito.

Lulu took a deep breath. Pinakalma ko muna siya ng ilang minuto. Wala na akong pakialam kung late na kami o kung isipin ng groom niya na tinakbuhan na siya ng best friend ko. Ang importante, kalmado at payapa siyang maglalakad patungo sa altar.

"Ready?" I asked softly.

She nodded and took my hand.

The huge doors of the church opened, and a singer started singing a romantic song. Nagsitayuan na din ang mga bisita at lahat nakatingin sa kaniya. Lulu glanced at me through her veil.

"Huling lakad mo bilang Miss Samaniego..." bulong ko.

Kinurot niya lang ako bilang sagot saka kami sabay na naglakad patungo sa altar. I really felt like her father as my heart burst with pride and glory. Lulu is no longer shaking or crying and I could feel that she's happy, too.

Nang ibigay ko ang kamay niya sa naghihintay na groom, mas lalo lang akong naging emosyonal. She'd tease me for the rest of my life about it but I can't help it.

"Pst," tawag ko sa kaniya nang patungo na sila sa altar. Nilingon naman ako ni Lulu. I smiled fondly at her. "Pakabait ka ah? Mahal ang annulment fee," bulong ko.

"Gago," she mouthed and turned to the priest.

I chuckled and turned around, only to meet the pair of hazelnut eyes that's been haunting me for the last five years. Natigilan ako sa paglalakad para siguruhing hindi ako pinaglalaruan ng imahinasyon ko. Sometimes, I'd miss her so much that I'd start imagining she is here with me.

Shit...

There she is, looking ethereal in her beige infinity dress, with a smile that broke my heart years ago...

Maybe Karylle was right... she's the one that got away and keeps on getting away.

Ang laki ng atraso niya sa puso ko, ah?

Napailing nalang ako at pumunta sa upuan para tumabi kay Tita. Hindi ako mapakali kaya nilingon ko ulit siya. Naroon pa rin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at pasensiya na sa best friend ko pero wala na akong naiintindihan sa sinasabi nilang vows sa isa't isa.

All that mattered to me is that the girl I loved before is back here again just like how the waves keep on getting back to the shore.

-

#HanmariamDWTWPrologue 

Drifting with the Waves (Elyu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon