Nagising ako sa bayolenteng tunog ng cellphone ko. Iignorahin ko sana ito kaso tumunog ulit kaya napilitan akong bumangon para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin ng alas sais ng umaga.
Tita Belinda...
I sighed and picked up the call. Hindi pa man ako nakakapagsalita, rinig ko na ang malakas niyang iyak sa kabilang linya.
"Raya! Sereia!" paulit-ulit niyang tawag sa akin kaya kinabahan ako.
"Tita, bakit po?"
"Hindi ko na alam ang gagawin ko!" she said between her sobs. "—lintek mong pinsan, wala nang ibang ginawa kundi ipahamak ako!"
"Ano pong nangyari, Tita?" kalmado kong tanong sa kaniya dahil nakakahawa ang pagpapanic niya. Puro iyak ulit ang narinig ko kaya inulit ko ang tanong. "Tita... ano pong nangyari?"
"Si Don, inaresto kagabi kasama ang mga walang kwenta niyang barkada! Nakuhanan sila ng marijuana, pero ang sabi sa akin itinanim daw ng mga pulis ang ebidensiya. Wala kaming pang-pyansa sa kaniya, Raya, hindi ko na alam ang gagawin ko!"
Napuno ulit ng iyak ang kabilang linya. I shut my eyes, trying to think of a solution to this. Noong buhay pa si Papa, madalas niya kaming dinadala sa bahay nina Tita Belinda para makikain tuwing may birthday ang isa sa mga anak niya, lalo na kung wala kaming makain. She'd always tell us to bring some food to eat at home, and she made sure that none of my siblings were bullied by her much-older, much-bigger sons.
Isa pa, hindi siya nag-alinlangang tulungan kami nung magkasakit si Papa. Alam kong ang layo ng biyahe niya galing sa kanila patungo sa bahay namin, pero wala akong narinig na reklamo sa kaniya kahit minsan. Up until my father's last breath, she was there.
"Ako na po ang magp-pyansa. Saang presinto po ba?" sabi ko sa wakas.
Sinabi sa akin ni Tita Belinda kung saang presinto naroon si Don. Pagod kong ibinaba ang tawag at binalingan si Ivo na kakagising lang. Kinusot-kusot niya ang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Anong meron?" he asked groggily.
"Magbihis ka, pupunta tayo ng presinto." Sabi ko nalang sa kaniya at tuluyan nang tumayo para makaligo.
Ivo jumped off the bed, his eyes wide with shock. "Presinto?! Bakit tayo pupunta ng presinto?!" tanong niya habang nakahawak sa braso ko.
I chewed my bottom lip, embarrassed of what I am about to say.
"Na-aresto kasi ang pinsan ko..."
Dahan-dahang binitawan ni Ivo ang kamay ko at tumango. Hindi na siya nagtanong pa ng kung anu-ano at kaagad nang naligo at nagbihis. Each time he had a day off, he'd spent it with me in my apartment. Madalas wala ako sa mood na gumala kaya nasa loob lang kami, nagmo-movie marathon at nagluluto. Date na iyon para sa amin.
"Raya!" sinalubong kaagad ako ni Tita Belinda nang makalabas ako sa kotse. Hindi pa kami kumakain ni Ivo ng agahan dahil gusto kong makarating kaagad sa Elyu. Ivo said that he'd park the car properly and would join us later.
Nag-mano ako sa kaniya bago kami pumasok doon. Kinausap ko muna ang pulis doon at nagulat sa laki ng pyansa ni Don.
"15 grams marijuana," the police officer said in a monotone, reading the report. "Arrested around 11 pm yesterday after an anonymous source tipped us of a marijuana session in the house next to them. Matagal na pala nila 'tong ginagawa..."
Bumuntong-hininga ako at pumayag na bayaran ang pyansa ni Don para lang makalabas siya. Tumango lang ang pulis sa akin at pin-rocess ang mga papeles. Ivo joined me after a while, staying silent by my side. Pagkatapos ng mahigit isang oras, pinalabas na nila si Don.
BINABASA MO ANG
Drifting with the Waves (Elyu Series #1)
Teen FictionELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the waves until a boy from Manila arrived and changed everything... This is a story about a girl, a boy, an...