Chapter 18

16.6K 738 562
                                    

"Psst. Raya."

Nag-aalangan ako kung lilingunin ko ba si Ivo na kanina pa sinusundot-sundot ang tagiliran ko gamit ang dulo ng ballpen niya. Nagle-lecture kasi ang professor namin sa Art Appreciation pero majority naman sa mga kaklase ko ay hindi nakikinig, kasama na doon si Ivo.

"It refers to the beauty of spoken poetry, fiction, and essay..."

Walang sumagot sa mga kaklase ko at kaniya-kaniyang iwasan ng tingin habang naghahanap ng sasagot ang guro namin.

"Walang sasagot? Sige, tatawag ako." Bumalik siya sa teacher's table para kuhanin ang index card namin.

Nilingon ko Ivo sa likuran, nagtatanong ang mga mata. Ngumisi kaagad siya at magsasalita pa sana kaso bigla kaming tinawag.

"O, yung nagliligawan d'yan sa likod.... anong sagot sa tanong ko?"

Kaagad akong napatayo, kinakabahan. Ano daw ang tanong? I blinked in embarrassment. Nakatingin na ngayon ang mga kaklase ko sa akin.

"Uhm..."

"Non-verbal arts po, Sir." Biglang sabi ni Ivo sa likuran saka ako hinila paupo. Hiyang-hiya ako na naupo at halos hindi makatingin sa kanila.

"Lumipat ka na naman ng upuan, Escarra, ah. Gusto mong absent-an kita today?"

"Hindi po, Sir!" Ivo quickly gathered his bag and stood. Nagpunta siya sa original niyang upuan. Dahil matangkad siya, agaw-pansin ang simple niyang paglipat kaya tumaas ang kilay ng professor namin at hinintay na matapos siya bago ipinagpatuloy ang pagle-lecture.

"Sa susunod, huwag mo akong dadaldalin sa klase!" Pinagalitan ko si Ivo habang naglalakad kami patungo sa tapsilogan sa labas ng campus. Lunch na ngayon kaya dagsa ang mga estyudante at kapag nagtagal kami, baka maubusan pa kami ng upuan.

"KJ talaga ni Sir," tumatawang sagot ni Ivo. "Buti nalang alam ko ang sagot kanina."

"Oo buti nalang kasi dalawa tayong mapapahiya!" Sinamaan ko siya ng tingin.

Tinawanan lang ako ni Ivo at biglang hinigit patungo dun sa kabilang banda at nakipagpalit sa akin. Kumunot ang noo ko dahil wala namang sasakyan o ano. Siguro ay nasanay lang siya na ginagawa niya yun kay Lulu kaya ngayong wala na siya, ako ang napagtutuunan ng pansin.

Si Ivo ang naghanap ng lamesa para sa aming dalawa nang makita niya ang pag-aalangan sa mukha ko dahil sa dami ng tao. Tahimik lang akong sumunod sa kaniya.

"Ivo!"

Kaming dalawa ang napalingon nang may tumawag sa kaniya na lalaki. Malaking grupo sila na puro lalaki sa isang lamesa at maiingay.

"Dito ka na, may bakante pa!"

Nilingon ako ni Ivo saglit, saka binalingan sila.

"Next time na, may kasama ako!" Sigaw niya pabalik at itinuro iyong pangdalawahang lamesa na kasalukuyang nililinis ng waiter. "Dun nalang tayo, Raya."

Tumango ako at nahihiyang sumunod sa kaniya dahil alam kong nakatingin ang mga kaibigan niya sa amin ngayon. Nang makaupo ay agad ko siyang tinanong.

"Bakit hindi ka sumama sa kanila?"

"Huh? Eh kasama kita?" Naguguluhan niyang tanong pabalik sa akin.

I took a deep breath. "Pwede namang dun nalang din. Baka magtampo sila."

"Pwede naman, kaso hindi ka komportable. Hindi naman yun tropa natin. Sa susunod na."

Natahimik ako sa sinabi niya. I admit I'm just trying to be considerate but if I'm placed in a table surrounded by male teenagers, I'll be really uncomfortable. Nasanay naman na ako sa presensiya ng lalaki dahil may kapatid ako pero yung napapaligiran ng marami tapos maiingay pa? Baka himatayin ata ako sa kaba.

Drifting with the Waves (Elyu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon