"That's a wrap, everyone! Good job!" sigaw ng EIC namin.
Most of them cheered in joy even though they were tired. Isa-isa nang hinakot ng iba pang mga staff ang equipment namin. May isa namang lumapit kay Ivo para bigyan siya ng towel habang ang iba ay tumulong sa pagliligpit.
"Primitivo!" sinalubong ng EIC namin si Ivo nang makaahon na siya sa dagat at binigyan ng malawak na ngiti. "I couldn't thank you enough for joining us. We're going to have a simple dinner. Care to join us?"
Ivo's eyes flicked over to me while he's wiping his face with the towel. I gave him a discreet nod. Kaagad akong nag-iwas ng tingin dahil baka mahalata pa kami ng iba.
"Sure, sounds nice."
"Great! May inihanda na akong damit para sa iyo. Si Darling na ang bahala..."
"Tara po, Sir..." kinikilig na tumawa ang isa sa mga makeup artists namin. If she didn't speak earlier, I wouldn't know that she's a trans. Siya ata ang pinakamaganda sa amin!
Ivo gave me a worried look. Tinawanan ko lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Darling is sweet and harmless. Ituturo lang naman siguro kung nasaan ang mga damit niya.
Pagkatapos kong tumulong sa paghahakot ng gamit sa van, sumama na din ako sa kanila sa dining hall. They were noisy and excited about the photoshoot. Already our EIC is swiping through the photos for a potential cover. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ivo nang lumabas na siya galing sa isa sa mga kwarto, suot ang isang hawaii'an hibiscus button-down at itim na shorts.
Sa pagkakataong ito, kaagad na tumabi sa akin si Ivo. Our EIC grinned upon seeing us but said nothing. He glanced at me. Napailing nalang ako. Parang bata talaga.
"Uuwi ka pa?" bulong ko sa kaniya habang may ibang pinag-uusapan sa lamesa namin.
He shook his head. "Hindi na kaya. Half-day nalang siguro ako bukas."
Tumango din ako. "Dito ka magpapalipas ng gabi?"
"Uh... sa bahay sana."
"Namin?" tinaasan ko siya ng kilay. Wala nga akong balak matulog dun ngayong gabi tapos gusto niya, dun siya!
Nginisihan lang ako ni Ivo. "Nasa akin pa rin naman ang susi, eh. Dun nalang, para tipid."
I grunted under my breath. I was planning to book a nice hotel near the beach so I could enjoy the rest of the night. Pero may ibang plano ata si Ivo. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niya sa bahay eh andami naman nilang resort dito na pwede niyang tuluyan.
"Bye, Ma'am!" masiglang kinawayan ako ni Kaye. I already told them that I'm going to stay in the city. Hindi na ako sasabay sa kanila pabalik sa Pangasinan.
Kinawayan ko din siya at naghintay na maubos ang staff bago ako naglakad patungo sa sasakyan ni Ivo. He was patiently waiting inside the car. Nginitian niya ako at pinaandar ang kotse patungo sa bahay namin.
Madilim ang buong paligid pagkarating namin. Ginamit kong flashlight ang cellphone ko habang binubuksan ni Ivo ang gate. Pinauna niya ako sa loob at ini-lock pa ang gate bago sumunod sa akin. I opened the front door using my own set of keys. Mabilis kong in-on ang ilaw dahil baka matumba pa kami dito sa sobrang dilim.
Mukhang kakagaling lang ata ni Tita Belinda dito dahil malinis naman tingnan ang bahay. Pagod kong binaba ang bag sa lamesa at nagtungo sa kwarto. Halos wala ng gamit dito bukod sa iilang damit na iniwan ko talaga para may susuotin ako sakaling magpunta ako rito.
Nilingon ko si Ivo. He's already making himself feel at home while removing his shoes one by one. Itinabi niya ito at binalingan ako. He gave me a small smile.
BINABASA MO ANG
Drifting with the Waves (Elyu Series #1)
Teen FictionELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the waves until a boy from Manila arrived and changed everything... This is a story about a girl, a boy, an...
