Chapter 24

15K 678 741
                                    

Sa tanang buhay ko, hindi ko naisip na kaya ko palang magalit nang ganito. Nanginginig ang mga kamay kong itinapon pabalik sa kaniya ang pregnancy test.

"Buntis ka?! Fourth year highschool ka pa lang, Selena!" sigaw ko sa kaniya. "Sinong ama niyan, ha?!"

"Hindi ko alam..." she cried.

Napaiyak din ako lalo. "Putangina naman, anong hindi mo alam? Si Kit ba? Pinilit ka ba niya?"

Narinig ata ni Sonny ang sigawan namin sa loob dahil kaagad siyang tumakbo patungo sa kwarto, litong-lito kung anong nangyayari.

"Ate... sorry..." she was crying hysterically in bed. "Hindi ko sinasadya..."

Parang dinudurog ang puso ko sa sinabi niya. "Selena naman! Ang dami-dami kong sinakripisyo para sa pamilyang 'to, eh! Kasi gusto ko, maganda ang buhay niyong dalawa ni Sonny... na kahit wala si Mama, hindi niyo maramdaman na may pagkukulang. Bata lang din ako pero pinipilit kong punan ang pagkukulang ni Mama... pati pangarap ko, isinuko ko na! Tapos ito ang gagawin mo?!"

"Hihinto nalang po ako sa pag-aaral..." yumuko siya at patuloy na umiyak.

"Tapos ano?! Wala kang mararating? Maghihirap ka kasi nand'yan na yung bata?!" I pulled my hair in frustration. "Selena, gustong-gusto kong mag-aral sa UP pero hindi ko tinuloy dahil iniisip ko kayo! At huwag na huwag mong sasabihin sa akin na sinusumbatan kita dahil hindi ko naman ito responsibilidad, eh! Ginagawa ko 'to dahil mahal na mahal ko kayo pero minsan nakakapagod din kayo!"

"Ate..." lumapit si Sonny sa akin para pakalmahin ako pero itinulak ko lang siya palayo.

"Buong buhay ko, kayo lang dalawa ni Sonny ang iniisip ko! Alam mo ba kung gaano kahirap, ha?! Alam mo ba ang pakiramdam na ninakaw ang childhood ko sa akin?! Ayokong maramdaman mo yun kasi putangina, ang sakit-sakit, eh!"

Nag-iyakan lang kaming tatlo sa kwarto. This might've been the first time that I cried in front of them and I voiced out all of my anger, my frustration... that I never knew it was in me all along.

Napaupo nalang ako sa sahig habang hinihingal sa walang-tigil na pagdaloy ng mga luha ko.

"Mahal na mahal ko si Ivo, eh, pero pati ang mahalin siya... hindi ko magawa..." I said in a broken voice.

Tumayo si Selena mula sa kama niya at lumuhod sa harapan ko. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at paulit-ulit na humingi ng sorry.

"Sorry, ate... sorry... babawi ako... sorry..." paulit-ulit niyang wika.

Niyakap din ako ni Sonny na umiiyak na din. Wala siyang sinabi at hinigpitan lang ang yakap sa akin.

I'm not sure how much time has passed. Nakatulog ata ako sa kakaiyak. Pagkagising ko, tahimik na nag-uusap sina Sonny at Selena sa likuran ko. I curled myself, wishing I would just shrink and shrink until I disappear.

Sobrang sakit ng dibdib ko. Hindi ako makapaniwalang sinigaw-sigawan ko ang mga kapatid ko kanina. Tumulo ulit ang luha ko nang maalala kung anong nangyari. How I wish it was just a bad dream.

Nang malaman ni Papa ang tungkol kay Selena, wala siyang sinabi. Tumulo lang ang mga luha niya. Ni hindi man lang siya sumigaw o nagalit tulad ko. Kalmado niyang tinanong si Selena kung sino talaga ang ama ng bata.

"Si... Si Kit po..." natatakot niyang wika.

I swallowed a curse. Binalikan ko ang mga araw at buwan na nagpupunta si Kit dito sa bahay. Was he betraying all of us all along? Ipinikit ko nang mariin ang mga mata. Pakiramdam ko, kasalanan ko din 'to. Dapat mas lalo ko pang tinutukan si Selena ngayong dalaga na siya. Eh di sana, hindi 'to mangyayari.

Drifting with the Waves (Elyu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon