Chapter 10

20.3K 668 220
                                    

Pagtungtong namin ng third year, mas naging madalas ang usapan kung saan kami magco-college at kung anong kursong kukuhanin namin. Si Lulu ang madalas nag-o-open nun, dahil luluwas siya ng Manila at doon na mag-aaral.

"Babalik ka ng Ateneo?"

Tumango ito at ngumisi nang malapad. "Why not? I like it there!"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Avery. Matagal nang tapos ang isyu tungkol dun sa pagnanakaw ng pera pero si Lulu, hindi na tumakbo pa bilang officer sa taong ito. Classmate na din namin siya kaya mas madalas kaming magkasama at madali lang namin siyang nakakaladkad sa kung saan-saan hindi tulad noon na palagi siyang busy sa student council.

"Ikaw, Avery, ga-graduate ka na. Anong kukunin mo?"

She shrugged. "Sa La Salle daw ako, eh, sabi ni Tita. Siya naman ang magpapaaral sa akin kaya wala din akong magagawa. BS Psychology daw."

Binalingan ko si Celeste, nagtatanong ang mga mata.

"Ta-try ko sa UST. Hindi pa ako sigurado kung anong kurso ang kukunin ko pero bahala na, basta maganda ako!" biro niya.

Lulu turned to Yari. Nakasandal ang likod niya sa kambal habang nagce-cellphone.

"San ka, Yari?"

She sighed and put her phone down. "Mag-u-UP ako. Ayaw akong suportahan ng mga magulang ko kapag hindi business-related ang kukuhanin kong kurso."

"Eh bakit si Karlo, aeronautical engineering ang kukunin niya, ah!" reklamo naman ni Celeste.

"Sigurado kasi ang pera dun," ngumisi si Karlo. "Atsaka, nakakalimutan mo atang intsik ang tatay namin. Para sa kaniya, wala daw pera sa multimedia arts."

Natahimik kaming lahat. Hindi na rin umimik si Yari dahil sensitive ata siya sa subject na iyon. Hindi ko alam kung may problema din ba siya sa pamilya nila pero sa limitado kong perception, mukhang mas pinapaburan si Karlo dahil siya ang lalaki.

"Ikaw, Ivo?" si Avery naman ang nagtanong.

"Huwag mo nang tanungin yang si Ivo, baliw yan dito sa Elyu. Hindi yan aalis dito," si Lulu naman ang sumagot.

Tumawa lang si Ivo at walang sinabi. Hindi ko masabi sa kanila na gusto kong mag-UP dahil malakas ang kutob kong hindi namin yun kakayanin. Kailangan naming lumipat ng bahay dahil kung magdo-dorm ako doon, walang mag-aalaga sa mga kapatid ko. Kung kami naman lahat ang lilipat, kailangan ding lumipat ng eskwelahan ang mga kapatid ko. Mag-a-adjust na naman sina Selena sa bago niyang eskwelahan, at si Sonny naman, gumaganda na ang position niya sa basketball team kaya huwag nalang. Hindi ko kayang isakripisyo ang pangarap ng mga kapatid ko para sa akin.

Pagkatapos ng lunch ay nagsibalikan na rin sina Yari, Avery, at Karlo sa mga classroom nila. Dahil simula pa naman ng klase namin, walang ibang ginawa ang adviser namin kundi magpa-elect ng officers at i-establish ang house rules. Nag-object si Lulu nang may nag-nominate sa kaniya kaya si Ivo tuloy ang na-nominate at kahit puro kalokohan lang yung speech niya sa harap, siya pa rin ang nanalo bilang class president.

"Okay ka lang?" rinig kong bulong ni Celeste kay Lulu habang nasa harapan si Ivo at siya na ngayon ang nagp-preside ng election.

Tumango naman si Lulu pero wala ng ibang sinabi. She's the kind of person who wants to serve other people. Pero dahil sa trauma ng nangyari, hindi na niya nakikita ang sarili na maging officer ulit. Hindi ko rin alam kung paano ko siya ico-comfort. Masaya lang ako na alam niyang narito ako palagi sa tabi niya, pati na rin ang iba naming mga kaibigan.

Birthday ng kambal sa susunod na linggo kaya naman pilit naming tinatapos ang mga activities namin nang maaga para makadalo kami. Noong mga nakaraan nilang birthday ay ako lang ata ang hindi nakakadalo kasi ang daming dapat gawin sa bahay.

Drifting with the Waves (Elyu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon