"Bakit ako sasama sa iyo?! Hindi nga kita kilala!"
Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Selena kay Mama sa hapagkainan. Hindi ko alam kung tungkol ba sa alok ni Mama ang pinag-aawayan nila pero mukhang yun nga base sa ekspresyon ng mukha ni Selena.
"Selena, anak..." si Papa.
"Ayoko! Hindi ko iiwan si Papa dito! Kahit isang kahig, isang tuka lang kami, at least alam kong mahal ako ni Papa!" she was getting emotional because of her hormones. Kung hindi lang siya buntis, alam kong hindi niya masasagot nang ganito si Mama.
My mother sighed. "Hindi pa naman final, Selena. Gusto ko lang malaman niyo na magiging masaya ako kung sasama kayo sa akin."
"Dun ka na din manganganak, Selena." Dagdag naman ni Papa. "Magiging US Citizen ang anak mo."
"Papa naman, eh!" napasabunot na sa buhok si Selena dahil sa sobrang frustration. "Bakit mo kinakampihan ang babaeng ito?! Iniwan ka niya tapos magpapakasal na siya ngayon sa iba!"
"Selena!" saway ni Sonny, nagagalit na. "Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Mama!"
"Bakit? Totoo naman, ah? Magpapakasal ka dahil sa green card? Para maging permanent US citizen ka? Tapos ano? Bubuo ka ulit ng bagong pamilya doon dahil failure kami dito?"
Hindi sumagot si Mama at nag-iwas nalang ng tingin pero kitang-kita sa mukha niya na sobra siyang nasasaktan sa sinabi ni Selena. Ang kapatid ko naman, umiiyak na ngayon habang sinusumbatan siya.
"Pagkatapos ng ilang taong hindi ka nagpakita, bigla kang uuwi tapos aayain mo kami sa states? Laro-laro lang ba 'to sa iyo, Mama? Hindi mo ba alam na ang sakit-sakit ng mga ginagawa mo sa amin?"
"Selena, tama na yan..." pinaupo na siya ni Papa. "Gusto lang ng Mama mo na umayos ang buhay niyo. Tama na, anak, please. Makakasama yan sa bata..."
Marahas na pinunasan ni Selena ang mga luha niya at nagdadabog na pumunta sa kwarto. Nakatayo lang ako sa pintuan ng kwarto ko at nanunuod sa kanila. Nang magtama ang tingin naming dalawa ni Papa, kaagad akong nag-iwas at pumasok ulit.
Hindi na naging payapa ang bahay namin simula noon. Halos araw-araw nang inaaway ni Selena si Mama. She made sure she hears all of her pains. Palagi niyang isinusumbat sa huli ang mga kakulangan niya sa amin. Wala namang ginawa si Mama kundi tanggapin lahat ng binabato ni Selena sa kaniya.
"Raya, anak, kumain ka na..." nanginginig pa ang boses ni Mama nang ayain niya ako isang umaga. Nag-away ulit sila ni Selena at pagkatapos siyang sigaw-sigawan ng kapatid, pumasok na ito sa kwarto niya. She turned to the side and discreetly wiped her tears away. Tahimik akong naupo sa lamesa at tinitigan ang hinanda niyang ulam.
"Susunduin ka ba ni Ivo ngayon? Nagluto ako nang marami dahil baka gusto niyang kumain dito..." ani Mama na pinipilit pasiglahin ang boses kahit na mukhang maiiyak na ito.
I sighed. I hate that she's pretending that everything's okay in this household when we are all falling apart. Ang tagal kong hinintay na ma-kompleto kami pero hindi naman namin maatim ang isa't isa. Napaka-ironic talaga ng buhay.
"Hoy, grabe ang tagal na nating hindi nakapag-dagat, ah?" Celeste excitedly pointed to the entrance of the resort. "Ang gara na ng resort!"
Napatingin din ako. Birthday ngayon ni Avery kaya naman umuwi siya at inaya kaming mag-dagat. Dahil inako na ni Mama ang mga gawain ko sa bahay, malaya na akong nakakasama sa kanila.
Noon, halos hindi ko 'to magawa dahil kailangan kong bantayan ang mga kapatid ko. I never knew it felt so liberating just by simply having a mother at home.
"Ivo, sure na ba yang 50% discount sa entrance fee? Hindi ba pwedeng libre nalang?" panloloko naman ni Karlo.
"Oo nga, Ivo! Para namang hindi kaibigan!" dagdag pa ni Celeste.
BINABASA MO ANG
Drifting with the Waves (Elyu Series #1)
Teen FictionELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the waves until a boy from Manila arrived and changed everything... This is a story about a girl, a boy, an...