Chapter 29

16K 902 456
                                    

"Raya, anak, tanghalian na..."

I just groaned. Nagtalukbong ako ng kumot at ipinikit ulit ang mga mata. Mula nang makauwi ako kagabi galing sa resort, hindi pa ata ako nakakalabas sa kwarto ko. Tinawag din nila ako kanina para sa agahan pero sinabi ko nalang na masakit ang ulo ko para hindi nila ako kulitin.

"Pwede ba akong pumasok?"

Nanghihina akong bumangon at binalingan si Papa. Na-guilty kaagad ako nang makita ang nag-aalala niyang mukha. Tahimik siyang pumasok at kinuha ang upuan sa desk ko. Naupo siya sa harap ng kama ko at pinagsalikop ang dalawang kamay, sabay tingin sa akin.

"Anong problema natin, Sereia?" mahinahon niyang tanong sa akin.

My eyes watered again. Alam kong iiyak na naman ako anumang oras kaya nag-iwas ako ng tingin. My father patiently waited for me to answer.

"Sabi po ni Ivo, mahal niya ako." I said in a whisper.

Tumango-tango si Papa. "Kita naman, eh. Matagal na."

I bit my lower lip. I didn't mean to be so insensitive and dense towards him all these years! Nakikita ko kasing ginagawa niya kay Lulu at sa ibang mga babae ang ginagawa niya sa akin kaya inakala kong normal lang iyon. It was not until I started catching feelings for him that I realized all the things he did for me before... it was never as a friend.

Lulu was right. He never really saw me as a friend.

"Pwede ko bang tanungin kung anong sinabi mo? Nag-alala ako, eh. Kagabi ka pa umiiyak."

Yumuko ako. Noon pa man komportable na akong makipag-usap kay Papa ng ganito dahil lumaki naman akong kasama siya. He was the most understanding person that I know. Alam kong masasandalan ko siya sa mga oras na ito pero hindi rin gaanong katagal dahil aalis din naman kami.

"Hindi naman pwede, Papa, eh, kasi aalis kami..." nag-iwas ako ng tingin. "Tutuloy ako sa NYU."

Tumango si Papa. "Sinabi na ng Mama mo sa akin. Masaya ako dahil sa wakas, pinipili mo na ang sarili mo, Raya..."

Nanginig lang ang mga labi ko sabay tulo ng mga luha sa sinabi ni Papa. Kaagad ko iyong pinalis at bumuntong-hininga.

"Pasensiya ka na, anak, ha? Ito lang ang kaya ni Papa, eh. Kahit anong pasada ko, hindi kita mahahatid sa pangarap mo. Magpakabait ka sa Mama mo, ha? Alam kong madami kaming pagkukulang sa inyong magkakapatid. Pero ngayong bumabawi na siya, sana pagbigyan niyo ang Nanay niyo..."

Tumango ako sa sinabi ni Papa. He sighed again.

"Alam ko ding nag-aalala ka para sa akin. Ayos lang ako, anak. Naalala mo pa ba ang Tita Belinda mo? Pupunta siya rito paminsan-minsan para bumisita. Hindi naman ako mag-isa, eh. Kahit saan kayo magpunta... narito kayo..." itinuro ni Papa ang dibdib niya kaya lalo pa akong naiyak.

"Papa naman, eh..." I sobbed harder. "Sorry..."

"Anong sorry? Hindi mo naman ako obligasyon, anak. Ikaw, ikaw obligasyon kita. Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para mabigyan ka ng magandang buhay. Kaso minsan kahit gawin mo ang lahat, hindi pa rin magiging sapat yun. Ayos lang sa akin na malayo ka, basta alam kong gaganda ang buhay mo. Wala naman dito sa Elyu ang pangarap mo kaya sige lang, huwag kang susuko. Bata ka pa, Raya. Marami pang pwedeng mangyari sa iyo..."

The scene last night replayed in my head again. Ito yung mga sinasabi ko kay Ivo, eh. Parang napunta ako sa sapatos niya ngayong sinasabi ito ni Papa sa akin. Nasasaktan ako.

"Mag-iipon naman si Papa para mabisita ko kayo doon. Tsaka, ang usapan namin ng Mama mo, dito magpa-Pasko tsaka New Year. Magkikita pa rin tayo."

I nodded. He gave me a sad smile.

Drifting with the Waves (Elyu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon