Chapter is reposted. I accidentally deleted it 🥲
-
"Raya!"
Halos dambahin na ako ni Lulu nang makita niya akong kakababa pa lang ng tricycle. Gusto pa niyang sunduin ako sa bahay pero nahihiya ako sa kaniya kaya naman nag-commute nalang ako papunta dito.
Sa isang malaking subvidision sila nakatira, kaya nag-expect na ako na malaki din iyong bahay nila. Tama nga ako. Tatlong palapag ata iyon at makapal ang gate. May dalawa silang malaking Doberman pero nakakulong naman ito sa bakuran, marahil dahil may mga bisitang pupunta.
Ngumiti ako sa kaniya kahit na medyo nahihiya ako. Nakasuot lang ako ng puting t-shirt at pantalon. Si Lulu naman, puting tennis skirt ang suot at knitted crop top. Kinulot pa niya ang buhok niya at nag-lip tint.
"Pasok ka!" kinuha niya ang palapulsuhan ko at hinatak ako doon sa loob.
Marami ng tao doon pagkarating ko. Maraming kaibigan si Lulu kaya expected din yun. Nakita ko pa nga na naroon din ang buong basketball team, pati na si Kael. Ang mga fourth year students naman ay iyong mga kaibigan niya sa student council.
Napalingon ako doon sa malaking picture na nakasabit sa living room nila. Mukhang sa Malacañang ata ito kinunan base sa background. Nakasuot ng Filipiñana si Lulu at iyong Mama niya. Nasa likuran silang dalawa at nakaupo iyong Papa niya. Ang alam ko, head daw iyon ng PSG. Naka-uniform pa siya doon sa litrato.
"Hindi ka ba nahirapan sa pagpunta dito?" tanong ni Lulu habang inaakay ako patungo doon sa couch. May mga naglalaro ng video games doon sa malaking TV nila, mostly mga lalaki sa basketball team.
Umiling ako. "Hindi naman. Alam ng lahat kung saan ang bahay mo," I joked.
Pero totoo naman. Sikat kasi ang pamilya niya dito sa Elyu. Ang Papa niya, respetado ang trabaho at ang Mama niya naman, dating Binibining Pilipinas. Namana ni Lulu lahat ng magagandang katangian nila kaya ito, ang dami-dami niyang mga kaibigan.
"Buti naman! Akala ko naligaw ka na, eh!" tumawa siya at inaya ako doon sa taas, sa kwarto niya.
Sumunod naman ako sa kaniya. Wala pa ata sina Ivo, Celeste, at Avery. Hindi ko sila makita at ayaw kong magpaiwan sa baba kasama ang mga taong hindi ko kilala.
Lulu opened a huge door that revealed her room. It was huge. Parang buong bahay na ata namin ang kwarto niya. Lahat ng gamit niya, kulay pink o puti. Ang gandang tingnan sa mata. May PC set din siya at malaking desk. Kompleto ang mga gamit niya at mukhang mamahalin.
Naramdaman ko ang bigat ng regalo ko sa loob ng bag ko. Parang naduduwag akong ibigay 'to sa kaniya. Ano naman ang gagawin niya dito? Nasa kaniya na ang lahat. Baka ma-insulto din siya kapag ibinigay ko 'to kaya natatakot ako.
"Upo ka muna, magbibihis lang ako!" aniya at may kinuha doon sa closet niya saka pumasok sa sariling C.R.
Naupo ako dun sa desk niya kasi yun lang naman ang upuan doon. Nahihiya akong umupo sa kama niya dahil mukhang bago at baka madumihan ko lang. Habang nakaupo ay dumako ang tingin ko doon sa litratong naka-frame. I stared at the photo.
It's a picture of young Luanne and Ivo in a beach. Naka-swimsuit si Lulu ng stripes na red at si Ivo naman, walang pang-itaas. Naka-shorts lang din na red. May katabi silang malaking surf board.
I smiled and felt nostalgic for a memory that was never mine. Ano kaya ang pakiramdam na kilala si Ivo sa tanang buhay niya? Hindi ko ma-imagine ang sarili kong ganun... na may childhood friend. Siguro dahil ninakaw ang childhood ko ng mga responsibilidad sa bahay kaya ganito ako ngayon. Siguro ang sarap sa pakiramdam na may taong nakakaaalam ng buong buhay mo, na hindi mo na kailangang magkwento at kilalang-kilala ka na talaga.
BINABASA MO ANG
Drifting with the Waves (Elyu Series #1)
Novela JuvenilELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the waves until a boy from Manila arrived and changed everything... This is a story about a girl, a boy, an...