"Pwede ba akong sumali?"
Minata ako ni Dexter kasabay ng mapang-asar na ngiti pagkatapos niya akong tingnan mula ulo hanggang paa.
"Ayaw namin ng bansot sa team namin!" sigaw niya kaya napatingin din ang ibang mga kalaro niya sa amin. "Baka matalo pa kung sinong team ang salihan mo, eh!"
Hindi ako sumagot at dahan-dahang umatras. Pinilit kasi ako ni Mommy na pumunta sa basketball court ng clubhouse at makipaglaro sa anak ng mga amiga niya. Hindi ko naman gustong magbasketball, sinusunod ko lang ang sinabi ni Mommy dahil ayoko ring maupo sa tabi niya habang nag-uusap-usap sila ng mga bagay na hindi ko naman maintindihan.
"Hoy, Dexter!" narinig kong sigaw ni Lulu. Sobrang lakas ng boses niya habang mabilis na naglalakad patungo kina Dexter. I took a step back, frightened. "Anong sinabi mo?! Binu-bully mo ba si Ivo?!"
Dexter scratched his head, annoyed. "Ano na naman? Eh totoo namang bansot siya, eh! Paano makakapaglaro ng basketball yan?"
Lulu stepped forward, shielding me from them. She's the tallest among the girls, probably taller than Dexter and his friends, so they're easily intimidated. Pati ako ay nai-intimidate rin sa kaniya noong una siyang pinakilala sa akin bilang anak ng best friend ni Mama.
"Bullying yan, ah! Isusumbong kita sa Mommy mo! Eh ano naman kung kinulang ng konti ang height ni Ivo?!"
Lulu turned to me while I stayed silent. Her eyes were fiery, and her tiny fists were forming. Gusto ko nalang umalis dito dahil nakakahiyang pinagtitinginan kami ng maraming tao.
"Lulu, tara na..." mahina kong sambit sa kaniya.
Umirap si Lulu. "Mga amoy-pawis naman kayo! Sa susunod, isusumbong ko na talaga kayo!"
Kinuha ni Lulu ang kamay ko at kinaladkad ako palabas ng basketball court. She walked fast, into a manicured lawn where girls are having a picnic.
"Sali ka nalang sa amin, Ivo..." aniya, nakangiti sa akin.
My cheeks burned in embarrassment. Even when I'm still six, I know that there are unspoken rules about boys spending too much time with girls. Hindi ko alam kung bakit nila iniisip yun, pero ayokong isipin nila kahit na hindi ko naiintindihan. Sapat na sa aking hindi ako makasali sa basketball dahil sa height ko kaya ayoko ng dagdagan pa ang issue.
"Hindi na, babalik ako kina Mommy..."
Lulu grabbed my hand before I could walk away.
"Sige na, Ivo! We're playing house and we need a Dad. Wala namang gustong maging Daddy sa kanila kaya ikaw nalang!"
I grunted. "Ayoko!"
"Nasa sauna pa sila Mommy mo, pati na rin si Mommy ko. Dito ka nalang muna... please?" she gave me her puppy eyes. Napabuntong-hininga ako at nilingon ang mga kalaro niya. They were all smiling at me while their toys are scattered around.
Dahan-dahan akong tumango. "Sige... dito nalang muna ako."
Our friendship started on that day. Matalik na magkaibigan ang Mommy ko at Mommy ni Luanne Rose. Dahil pareho kaming walang mga kapatid, madalas kaming dalawa ang magkasama. Palaging iniiwan si Lulu ng Mommy niya sa amin lalo na kapag may mga lakad ito.
Sa iisang eskwelahan din kami pina-enroll pagtungtong namin ng elementary. Lulu is bright and kind, and I didn't mind being with her. siya lang kasi ang babaeng hindi umiiyak o napipikon kapag binibiro ko.
"Sa Elyu kami magbabakasyon..." balita ko sa kaniya habang nakaupo siya sa sahig ng kwarto ko, nagbabasa ng libro. She's supposed to be studying but after a few minutes of scanning her textbook, she picked up her fairytale book and started reading.
BINABASA MO ANG
Drifting with the Waves (Elyu Series #1)
Ficção AdolescenteELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the waves until a boy from Manila arrived and changed everything... This is a story about a girl, a boy, an...