"Raya, mag-meryenda ka muna, anak..."
Mabagal akong naglakad patungo sa balcon. Inilabas ni Mama ang coffee table namin at inilagay dun ang niluto niyang maruya. Gumawa rin siya ng buko salad. Naroon na si Sonny, pawis na pawis galing sa basketball at kumakain ng buko salad.
"Si Selena?"
"Nasa kwarto, sinusubukan ang mga maternity dress na pinamili namin sa Manila."
Tumango ako at naupo sa tapat ni Mama. Simula nang dumating siya dito, ni hindi ko man lang mahawakan ang walis. Palaging siya na ang gumagalaw sa loob ng bahay – paglilinis, paglalaba, pagluluto.
For the first time, I really felt like a normal child. Pag-aaral ko lang ang inaasikaso ko ngayon.
"Kumusta ang lakad niyo? Maganda ba ang resort?" tanong ni Mama sa akin habang sinasalinan ng buko salad ang platito ko.
Tumango ako. Nagpaalam naman ako sa kanilang dalawa na mago-overnight kami dun sa resort pero hindi ko na sinabing kina Ivo iyon.
"Alam mo, mura pa ang entrance fee d'yan noong una, eh!" pagkukuwento ni Mama. She had a nostalgic smile on her face. "D'yan kami nagdi-date noon ng Papa mo."
Napaubo si Sonny sa sinabi ni Mama at sinuntok-suntok pa ang dibdib nito.
"Mama naman, eh!" reklamo niya.
Tumawa si Mama. "Bakit? Nagkukuwento lang ako, ah?"
Napatingin si Mama sa chess board sa ilalim ng coffee table. Itinabi niya iyong mga pagkain para may space at kinuha iyon.
"Naglalaro ka pa ba ng chess, Raya?"
"Paminsan po." Mahina kong sagot.
Tumango siya at walang pasabing in-arrange ang mga pieces doon. Wala namang ibang tao sa harapan niya kaya kinuha ko nalang din ang black at inayos ang sa akin.
"Alam mo, Mama, nanalo yang si Ate sa interschool competition!" pagmamayabang naman ni Sonny.
"Talaga?" she smiled at me. "Magaling ka na, ah?"
I just shrugged. I don't feel comfortable talking about chess with her because part of the reason why I loathed it so much is because it reminds me of her. Siya naman kasi ang nagturo sa akin nito, eh. Tapos pagdating sa oras na magaling na ako, wala naman siya para maging kalaro ko.
But she was better with chess, she always is. Nakatatlong laro na kami, hindi ko pa rin siya natatalo. I sighed and just gave up. Sakto namang pagkatapos namin ay pagdating ni Papa. May dala siyang plastic bag na uulamin ata namin ngayong gabi. He glanced at the chess board longingly but said nothing. Nag-amen lang kaming tatlo sa kaniya at nagsipasok na sa loob.
Habang nasa loob ako ng kwarto at nagce-cellphone, bigla nalang bumukas ang pinto. Nagulat ako at napatingin kay Sonny.
"Pwede bang pumasok?"
I nodded. Naupo ako at hinintay siyang makarating sa kama ko.
"Anong problema, Sonny?"
He sighed and plopped down. Ni hindi siya makatingin sa akin.
"Bumabawi talaga si Mama sa atin ngayon, Ate."
Tumango ako.
"Tinanong niya ako... kung sasama ba daw ako sa kaniya sa Amerika."
I nodded again. Alam kong isa-isa niya kaming kinausap tungkol dito. I'm still undecided. Ayokong iwan si Papa na mag-isa dito. Matanda na siya. Sinong mag-aalaga sa kaniya? Baka atakihin ulit siya tapos wala kami... hinding-hindi ko ata mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari yun.
BINABASA MO ANG
Drifting with the Waves (Elyu Series #1)
Teen FictionELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the waves until a boy from Manila arrived and changed everything... This is a story about a girl, a boy, an...