Chapter 114

1.7K 74 8
                                    


Kyran P. O. V

" What are you doing here? " kunot noong tanong ko kay Kairo na nakatayo sa mismong harapan ng unit ko. Lumingon naman Sya sa akin at ngumiti. " How are you? " Tiningnan ko lang sya at naglakad na papasok sa loob. Binati naman ako ng guard at tango lang ang sinagot ko dito. Naramdaman ko ang presensya nito sa likod ko hanggang sa makapasok ako sa elevator. " Are you still mad at me, Zin? "

" Kumain ka na ba? "

Hindi Sya nakasagot sa akin. Naramdaman ko naman ang tingin nya sa akin. Pagkabukas ng elevator ay Lumabas na ako. " Join me then." Matipid kong sabi sabay swipe sa card na hawak ko. " Suit yourself." I added before heading myself to the kitchen.

" Hindi ka na ba galit sa akin? Sa amin? " tanong nya. Tiningnan ko naman Sya na ngayon ay nakatayo sa mismong harapan ko.  " Hindi naman ako ganun kasama para ubusin kayo. I still do believe in that old saying that states, Blood is thicker than water.  After all, family matters a lot to me than my fucking rage to all of you. "

" Can I hug you? " nakangiting tanong nya.  Ako na mismo ang yumakap sa kanya na ikinatigil nya hanggang sa naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin. " I badly miss you Zin. I badly miss my little sister. "

Hindi ako sumagot. Tinapik ko Lang ang likod nya ng maramdaman ko ang pagtaas baba ng balikat nya. " Why are you crying, Zayne Kairo? You're like a gay. "

" I'm not crying Kyran Zin." masungit nyang aniya at binitawan na ako. Nakita ko pa ang pamumula ng mga mata nya. Naiiling nalang ako habang nakatingin sa kanya. " Crying baby." Tiningnan naman nya ako ng masama at tinalikuran. Natawa nalang ako. I miss them. I miss my brothers.

Wala namang masama sa pagpapatawad. Maybe it's easy to forgive but not to forget. Nasasaktan ako, Oo. Pero hindi yon sapat para magalit ako nang husto sa kanila. You can't never go out once you're trapped from the past. Because you can't even see the door. But if you let yourself open it, You can feel at peace. Hindi mona kailangan na matakot at magtago. Family is one of my weaknesses.

"I really do miss you. We are really sorry Zin. " nginitian ko lang sya at inilapag ang dala kong pagkain sa mesa. " Babawi ako. Babawi si kuya sa'yo. " Sinserong aniya habang nakatingin sa mga mata ko.

Tipid ko lang Syang nginitian at ibinalik ang tingin sa pagkuha nang pagkain." Let's eat."

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa hanggang sa napaangat ang tingin ko sa kanya ng tumikhim ito. "Are you free later? Wala ka bang gagawin?" mahinahon nyang tanong habang nakatingin sa akin ng deretso. Tumaas naman ang kilay ko. " Why? "

" I want to show you something. " Tipid nyang sagot. Tumango lang ako at nagpatuloy na sa pagsubo nang pagkain. Hindi ako sanay na ganito ang kapatid ko. " Just be yourself kairo. You don't have to change yourself just because you're guilty for what you've done to me way back then. Let's just move on. Talk to me like what you usually did. "

" Indeed. " he plainly stated while nodding.  " Whose with you in that three long years? "

" Someone I know. " Tipid kong sagot at tiningnan siya. " I haven't seen the corpse of keith together with father and Mingyu. Do you happen to know where they're buried? "

Napatingin naman Sya sa akin habang nakakunot ang noo. " What do you mean? "

" Pinahukay ko ang libingan nila. " deretsong sagot ko habang nakatingin sa mga mata nya. " Obviously, I've seen nothing. Wala akong nakita na  kalansay sa libingan na iyon. " Ininom ko ang coke in can na nasa harapan ko bago ibinalik ang tingin sa kanya. " They're not probably dead. Everything is just a drama. " mahinahon kong sabi.

Season 2: The Hidden Daughter of Wang ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon