Chapter 130

1.8K 69 9
                                    


3 years later

Kyran P. O V

We were born in this world, without knowing who we are.....

What we are....

What we will become....

and what kind of life awaits us.

" May nahuli ka na ba? " Napatingin ako sa Matandang mag Asawa sa tabi ko.

" May nakita ho ba kayong hawak kong isda? " pamimilosopo kong sagot dito.

" Kung iyan ang ugali mo, neng. Tatanda kang dalaga. "anang Matandang Babae na ikinataas ng kilay ko .

" Hindi ko alam na may koneksyon na pala ang hindi makahuli ng isda sa pagiging matandang dalaga. Nice analogy though. "  umupo ako sa bangka at tiningnan sila. " Paano kayo nabubuhay sa ganitong klase na trabaho tatang? " baling na tanong ko sa Matandang lalaki na inilagay ang mga nakuhang isda sa malaking drum.

" Determinasyon ang kailangan para mabuhay, neng. Kung mahal mo ang iyong ginagawa ay talagang maging Masaya ka kahit sa kunting salapi lang. Hindi batayan ang malaking halaga na kinikita kung tunay na kaligayan at Katahimikan lang ang iyong hinahanap. " nakangiting aniya.

" Ang Dami nyo naman ho na sinabi.  "

Napatingin naman sya sa akin." Kung Katahimikan lang ang iyong hinahanap mukhang sa sarili mo iyan sisimulan, neng. At Isa pa...Iyang ugali mo. Hindi ko alam kung galit ka ba sa tao o talagang sa mundo. Ang bitter mo, neng. Manghuli ka nalang ng isda at paniguradong ang tyan mo ay mabubusog mamaya. "

" Walang problema sa ugali ko Tang. Hindi ko Kailangan magbago para Gustuhin ako ng mga tao. Being different doesn't make me less and I don't need a title to gain a  respect. " kaswal kong sabi at ibinalik ang tingin sa karagatan.

" Sayang lang ang iyong salitang Ingles kung ang iyong kausap ay elementarya lang ang natapos. Kung ano man ang ibig sabihin iyan, iisa lang ang masasabi ko.. wag mong maging ugali na takbuhan ang Isang pagkakamali. Kasi ang pagkakamali ay parte ng buhay ng tao. Magkamali ka ng magkamali pero wag mong ugaliin na takbuhan ang mga bagay na ibinigay sa'yo ng Diyos para maging malakas at magpatuloy sa buhay. Okay lang na magpahinga kaya nga may tuldok kuwit sa bawat kwento ng buhay dahil ang ibig sabihin nun... Pwedi kang magpahinga at magpatuloy sa buhay. Habang may buhay neng... May pag asa. " tinapik nya ang balikat ko at ibinalik ang tingin sa kanyang ginagawa.

" Paano kung ang tanging solusyon lang ng lahat ay ang tumakbo? "

" Hindi ibig sabihin na tumakbo ka, Duwag ka na. Minsan sa buhay, Kailangan mo rin tumakbo ng tumakbo para piliin ang sarili mo. Hindi naman masama kung Aminin mo na naging totoo ka. Dahil ang pagiging Duwag... Iyon ay para lang sa taong sumuko lang kahit alam nya sa sarili nya na kaya nya pang lumaban at magpatuloy sa buhay. " anang isang Matandang Babae habang nakatingin ito sa mukha ko. " Kung hindi mo na kaya ang kahangalan ng Mundo. Magpahinga ka. Baka... Sa susunod na mga Araw at buwan o taon, Ikaw naman ang paburan ng panahon. Neng, Hindi paligsahan ang buhay. Pakinggan mo ang iyong puso at isip. Minsan Kasi, nabubulag lang tayo sa ating naramdaman kaya naging padalus dalos tayo. " pagpatuloy nya.

Tagos sa aking puso ang sinabi ng Matanda. Hindi ko alam pero Kusang lumabas sa aking mga mata ang isang likido na hindi ko inaasahan sa matagal na panahon.

I haven't cried for years. Dahil ginusto ko.  I want to feel numb and just eradicate the pain that is already carved in my fucking heart. Fucking life!

Agad akong tumayo at pinahid ang luha sa aking pisngi para Hindi nya mapansin.

Bumuga ako ng hangin at nag inat sabay tayo. " Let's get back to work."

Season 2: The Hidden Daughter of Wang ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon