Chapter 3

639 22 0
                                    


Sa sumunod na araw, pagkatapos ng klase ay tumungo na ako sa cafe para pormal na magpaalam dahil nakapagdesisyon na kasi ako kagabi pa.

Alam kong medyo mabilis pero gano'n naman ako. Nagtatrabaho lang dahil iyon ang hobby na gusto ko.

Halos dalawang taon na akong nagtratrabaho sa cafe kaya naman medyo mabigat sa pakiramdam, sa totoo lang ay 'yun ang trabahong naging matagal sa 'kin.

Kasi pag na bored ako, aalis na ako agad. Lahat ng trabaho na gusto kong pasukan ay papasukan ko. Pag natry na at hindi nagustuhan ay magreresign na ako. Kadalasan ay isang linggo o buwan lang ako. Mas malala pa nga ang isang araw.

Totoo nga na nagsabi na si Kaiden sa boss ko dahil pagdating ko aya alam niya na kung ano ang pakay ko.

Paglabas ko ay nakita kong naghihintay sila Roan at Felix sa 'kin, mukhang malungkot ang dalawa.

"Ikaw. Aware naman na akong tahimik ka pero 'di ko expect na pati sa pagreresign mo tahimik ka, hindi ba ako masyadong naging mabuti sa 'yo?" Drama ni Felix na parang iiyak na yata, OA.

"Ah, yeah. I'm sorry, but I guess this is what I decided, and I'm hoping you'll understand."

"We understand you naman, pero baka naman manglibre ka since last day mo na, right Felix?" Ani Roan.

"Oo nga naman." These two, pagkatapos mag-drama ay mambobola naman.

Parang kanina naglulungkot-lungkutan sila, ngayon naman ay maynining na sa mga mata.

Pumayag na ako at kumain lang kami sandali sa isang resto at nagpaalam na rin sila dahil may duty pa kasi sila niyan.

Nang makaalis na sila ay umalis na rin ako, narito ako ngayon sa National Bookstore at meron na kasi 'yung bagong labas na book na gusto ko tiyaka may bibilhin akong materials for my painting.

Sandali lang naman ako at umuwi na rin, wala rin naman kasi roon iyong materials na need ko pero 'yung book, thank God meron.

Alas syete ng makarating ako sa condo.

Ginawa ko na muna ang mga importante kong gawain bago ginawa ang schedule para sa trabaho na ipinagkatiwala ni Kaiden.

Oh, diba may task na ako agad.

But if you ask me about Kaiden, he is so hard to read. I don't know what next move he is going to make.

Siguro ay dahil hindi ko pa siya lubusang nakikilala, week pa nga lang yata ng magkakilala kami ng kultong iyon. Pero heto ako magiging secretary na ng mokong.

Nag ring ang phone ko na nakapatong sa lamesa kaya agad kong kinuha iyon at tinignan kung sino ang caller.

Kumunot ang noo ko dahil isang pamilyar na numero ang nakapatak sa screen.

Walang pangalan ngunit kilala ko kung sino ito kaya may pagdadalawang-isip akong sinagot ang tawag.

"Hello, young lady?"

Matandang boses ang nahimigan ko sa kabilang linya, hindi pa rin siya nagbabago.

Matagal-tagal na rin ng huli niya akong kinukit.

"Yes, It's me, your sudden call is kinda shocking."

"My apology. How are you? I'm sorry if it takes a long time to call you. It's just so busy here."

"No worries, anyway I'm doing great."

"Really? I'm glad to hear that."

"Yeah, I just resigned from my work and found a new one. I will start tomorrow, and this time it's a company."

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now