Chapter 14

412 13 4
                                    

Nakatingin ako sa kisame ng condo habang nag iisip-isip.

Sabado ngayon kaya walang pasok sa school at trabaho. Nangungulila tuloy ako sa kaniy- eh?

Lord, sana naman magparamdam siya, kahit text o tawag lang. Mas maganda siguro kung magpapakita siya.

Bakit ba ganito? Iniiwasan ko si Kaiden pero gusto ko namang makita.

Nababaliw na yata ako.

Ilang sandali pa ay may nag doorbell sa pinto kaya inis na tumayo ako para tignan kung sino.

"Anong ginagawa mo rito?"

Yehey! Prayer answered. Thank you po, Lord.

"Makikitulog." Maiksing sagot niya at nagtuloy-tuloy nang pumasok sa loob.

"Sinong may sabi?"

"Ako."

"Bakit ka naman makikitulog dito?"

"Bawal bang umuwi dito?" Kumunot ang noo ko.

"Siyempre, bahay ko ito, eh."

"What a coincidence my home is living here too."

Natigilan ako, "Ayan ka nanaman, para kang tanga."

Mahina lang siyang tumawa. "Kumain ka na ba? May dala akong pagkain."

"Hindi pa, ano 'yan?"

"Adobo at Kare-Kare."

"Yey! Tara kain na tayo." Masaya akong tumungo sa kusina at nagsandok ng pagkain.

"Ang sarap! Parang mas masarap pa ito sa niluluto ko. Kung araw-araw kang magdadala nito ay dito ka na lang tumira."

"Baka kapag ginawa ko 'yan ay magulat ka na lang."

"Nagbibiro lang naman, pero totoong masarap."

"My Mom was a good cook." May pagmamalaking ani niya.

"Mommy mo ang nagluto ng mga 'to?"

"Yes."

"Chef ba ang mama mo?"

"Hindi, pero mahilig siyang magluto. Sure ako kapag nagkita kayo ay magiging close kayong dalawa no'n."

Ngumiti ako, tita sana boto po kayo sa 'kin.

Pagkatapos kumain ay nagligpit na ako at naghugas ng pinagkainan.

Si Kaiden ay nandoon sa sala habang inaayos ang paghihigaan. Seryoso nga ang loko sa sinabing matutulog siya dito.

Lumapit ako papunta sa kaniya at inilapag ang kapeng tinimpla ko dahil nag request siya.

"Dito ka talaga matutulog?"

Tumingin siya sa akin at tumango.

"May bahay ka naman, bakit mas gusto mong magtiyaga diyan sa sofa?" Tiyak akong hindi komportable doon dahil malamig at malaki siyang tao.

"Sanay ako."

"Weh?"

"Natutulog din ako minsan sa office dahil late na akong natatapos sa trabaho."

"Bakit ang workaholic mo?"

"Kasi 'yon ang pinagkakaabalahan ko dati."

Dati?

"Ngayon ikaw na."

Umupo ako sa sofa at malalim na napabuntong hininga.

"Kaiden, I'm not worth your time."

"Mali ka." Madiin niyang tugon.

"Madami ka pang hindi alam tungkol sa 'kin."

"I'm willing to know everything about you."

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now