Chapter 5

551 17 0
                                    


Katok sa pinto ang nagpagising sa akin, naka idlip nanaman pala ako.

These past few days, ramdam kong madalas akong antukin at tinatamad kumilos pero hindi ko alam kung bakit.

Marahil siguro ay nagbabawi ang aking katawan dahil sa pagod at puyat.

Binuksan ko ang pinto upang mapag-sino ang bisita.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko pagkabukas ng pinto.

Si Alea pala, kasama niya si Ash. Parang kambal ang dalawa at ang hirap paghiwalayin lagi na lang magkasama.

"Aren't we promised to visit you after school, girl?"

Tumingin ako sa wristwatch na suot ko upang tignan ang oras. Alas sais na pala ng gabi.

"Pasok kayo." Paanyaya ko sa dalawa.

"Ano 'yang dala niyo?" Napansin ko kasing may mga supot silang dala.

"Pagkain, sabay-sabay na tayong mag dinner tiyaka may bagong labas na movie panoodin natin." Here we go again. She's deciding on her own.

"Bakit hindi na lang kayo sa bahay ni Ash, guguluhin niyo pa ako."

"Hindi na pwede do'n malapit na akong mapalayas sa bahay namin, Madam. Madalas kasi akong magpaparty ayon napapagalitan na ako ni Daddy."

Tumikwas ang kilay ko. "Sino niyan ang may kasalanan? Brat!"

"Naman, minsan lang nga kaming dumalaw sa 'yo ang sungit mo pa diyan." Pagkasabi ay nagpuppy eyes siya.

"Fine, whatever. Ano bang pagkain niyo diyan? Gutom na ako."

"Your favorite adobo, and some snacks for later!"

"Nag-order kayo? Ako na lang sana ang nagluto."

"Nope, Mom cooked that. I told her that my friend Aryka just got into an accident and told her I'm going to visit her. Then she asked what your favorite food was because she would cook it for you, and as I remember, it's adobo."

Naneto, biglang nag english.

"Para namang sobrang lala ng nangyari sa akin, ginulo mo pa ang Mommy mo."

"Ayos lang naman, 'wag mo ng isipin iyon. Kailangan ko kasing sabihin kay Mommy ang rason kung bakit ako aalis, tiyaka kilala ka na kaya ni Mommy.

Ang sarap siguro ng may Mommy 'no?

"Kumain na tayo, I'm hungry na."

"Okay."

Magayak silang kumain, kaso nga lang nagbabangayan pa, masarap din ang pagkakaluto ng ulam. Thanks to her Mom.

Ang sarap siguro sa feeling magkaroon ng nanay na nagmamahal sa 'yo. Bigla ay naisip ko nanaman.

Alam ko kasing mabait ang parents ni Alea, same goes with Ash. Open sila sa mga ito at parang friends lang.

Hindi ko maiwasang hindi mainggit.

After kumain pinanood na nila iyong sinasabi ni Alea na magandang movie na Horror pala iyon, sigaw ni Alea ang maririnig sa buong sulok ng sala pati ang daing ni Ash dahil nga sa sinasabunutan ito ng babae.

Nakakatuwa naman dahil hindi gumaganti si Ash, masyado naman yatang maunawain ang lalaki.

Naipiling ko na lamang ang aking ulo dahil stress na ako, mas na-stress pa ako lalo sa dalawang ito, damn, these two. If only I can kill them why not?

Saktong alas otso nang magpaalam sila. Gusto pa nga nilang mag overnight ang kaso 'di ko na pinayagan dahil may pasok pa bukas at isa pa, naalala kong may curfew si Alea.

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now