This will be the last chapter of the story, after this is the epilogue.
1 year later...
Sa mga sumunod na buwan every session with my therapy ay lagi akong present.
Tama. Ganoon lang kabilis na dumaan ang buwan.
Itinuloy-tuloy ko lang ang aking pagpapagamot sa tulong ng mga medikasyon at payo ng therapy na palagi ko rin naman sinusunod.
Hindi ako pumapalya sa kahit na ano, talagang sinusunod ko lahat.
Hindi pa ako tuluyang gumagaling pero alam ko sa sarili kong napakarami ng improvement na nangyayari, madalas na rin akong maging open kahit sa simpleng mga bagay lang, hindi ko na rin pinipigilan ang emosyon ko.
Kapag may gusto o ayaw ako ay agad kong sinasabi sa kausap ko. Hindi ko na rin masiyadong binuburo ang aking sarili sa condo, kung 'di madalas na akong lumabas para aliwin ang sarili na naging malaking tulong naman para sa akin.
Most importantly ay hindi na rin ako nagkaka nightmare na siyang dahilan ng pagkagising ko tuwing gabi at pag-iyak, payapa na ang nagiging tulog ko dahil wala na akong insomnia, at wala na akong naririnig na mga bulong sa isip ko, para bang payapa na ang mga gabi at mga araw ko. At mas lalong lumalabo na sa paningin ko ang mapait na nakaraan kasabay ng pamilya ko, para bang lumalabo na sila sa vision ko.
Sabi ng therapy ko ay hindi naman kailangan madaliin kasi hindi agad maghihilom ang mga trauma ko from the past, lalo pa at sobrang dami at mahirap lahat ng pinagdaanan ko. Normal lang na magtagal ito. Walang mali at walang dapat ipag-alala.
It was never been easy for the past 1 year, may time na nagbrebreakdown ako, naisipan ko nga rin na sumuko at huminto na sa totoo lang. Umiiyak tuwing gabi, nagwawala, nasasaktan ko 'yung sarili ko pero palagi naman nandiyan si Kaiden para daluhan at patahanin ako. Palagi rin nandiyan ang mga kaibigan ko, pati na sila Mr. Kim at ang parents ni Kaiden para palakasin ang loob ko.
Siguro kung dati pa ako nagpagaling maaaring ngayon ay mas maayos na ang lagay ko. Ngunit kahit gano'n ay marami akong natutuhan sa mga pinagdaanan ko sa lahat ng taon na dumaan sa buhay ko. I learned so many things that I can apply in my daily life. That can make me more capable and a strong person.
I was broken into pieces, but now I can say that I am finally healing.
And I guess that's the biggest improvement that I can proudly say and flaunt to everyone.
If we can't learn how to be strong physically, mentally, and emotionally, we cannot face and fight our anxieties in life.
It's not easy, and it will never be easy. Pero hindi naman masama ang subukan kung para sa ikabubuti rin natin. If we do not conquer what we fear, we will lose a lot of opportunities and we'll be stuck in that past. We will be stuck for nothing.
Kung palagi lang tayong matatakot hindi tayo makakapagpatuloy ng maayos at hindi natin mananamnam ang tunay na kahulugan ng kasiyahan, ika nga ni Kaiden.
Kung dati puro dilim lang ang nakikita ko ngayon ay iba na, may liwanag at malinaw na. Makulay at unti-unting nagkakabuhay.
Kung tatanungin din ako kung napatawad ko na ba ang pamilya ko? My answer is no. Maaaring gumaling na ako, o gumagaling na pero hindi ko na sila kaya pang patawarin. Sa lahat ng sakit na ipinaranas nila sa akin ay napaka labo na. At kung nasaan man sila ay sana masaya na sila.
Ang mahalaga siguro ay napatawad ko na ang aking sarili.
Kakatapos lang ng session ko with my psychiatrist at bukas na ang last, medyo matagal pero worth it naman.
YOU ARE READING
Roses And Melody (Under Revision)
RomansaAryka Alcazar has a past that she wants to forget when she was a kid. That's why to cover up her wounds from that past, she's acting like a numb and heartless person until she meets Kaiden, a young billionaire who will make her fall in love with him...