Chapter 8

507 17 9
                                    



Sa lumilipas na mga araw ay mas lalo akong nagiging abala na halos hindi ko na napapansin ang paligid ko madalas ay nakakalimutan ko ng kumain at magpahinga ng tama.

Ang daming paper works for school at sumasabay pa ang trabaho ko sa opisina.

Napansin iyon ni Kaiden kaya gusto niyang mag focus ako sa pag-aaral at pagrereview dahil nga sa malapit na ang final Exam.

Ayaw niya rin naman daw kasing hadlangan ang pag-aaral ko dahil lang sa trabaho.

Oo alam kong na sa kontrata iyon at 'yung bagay na iyon ay binanggit niya rin sa akin dati. Ang kaso sabi ko kaya ko naman dahil hindi gano'n kahirap, ang problema nga lang kailangan mong maging busy.

Masyado kasi akong pabibo.

Ayoko rin namang huminto muna sa trabaho dahil alam ko rin kasing marami ang ginagawa nila sa opisina ngayon lalo pa't merong benteng proyekto ang sabay-sabay na naaprobahan.

Oo nakakapagod pero kahit papaano ay naiibsan ang lungkot at mga overthinkings ko dahil sa mga ginagawa ko, mas mainam na ito kaysa mapag-isa ako o 'di kaya ay walang ginagawa.

Atyaka kapag madami akong ginagawa ay nag-eenjoy naman ako.

Nandito ako sa condo ngayon dahil sabado naman. Weekends lang ang libre kong oras para makapag focus sa mga activities sa iskwelahan at para makapagreview.

Habang busy sa ginagawa ay narinig kong nagring ang phone ko kaya dinampot ko iyon.

Isang unknown number ang nakapatak.

Agad na sinagot ko ito at ayon sa kanya ay order daw na pagkain para sa akin mula kay Kaiden.

Nakapagtataka ngunit hinintay ko pa rin 'yung tumawag sa akin sa pinto.

Kapag ito scam si Kaiden ang lalagutin ko.

Pero sandali lang ay natatanaw ko na ang lalaki na lumabas ng elevator.

"Kayo po ba si, Ma'am Aryka?"

"Yes." Pagkasabi ay iniabot niya sa akin iyong apat na may kalakihang supot.

"Pwede bang patulong ipasok sa loob?" Tanong ko kasi hindi ko mahawakan lahat at ang dami.

"Naku, ma'am hindi po pwede, eh."

"Why?"

"Uhm, k-kasi po a-ano puro putik 'yung paahan ko hehe."

Sinipat ko ang sapatos nito pero wala naman akong makitang putik.

He is lying. Atyaka bakit siya magkakadumi kung hindi naman umuulan. Ano 'yan, tumalon siya sa kanal?

"Okay po, anyway magkano lahat ng ito?"

"Bayad na iyan at may sobra panga ho, ang bait ng boyfriend mo, Ma'am."

Tumikwas ang kilay ko. "Hindi ko boyfriend iyon, boss ko." Pagtatama ko sa sinabi niya.

"Ayy gano'n po ba? Boss with Benefits." Aba?!

Kalma Aryka stress ka na kaya huwag mo ng dagdagan pa.

"Sige mauna na po ako, Ma'am thank you."

Mabuti pa nga dahil baka hindi ako makapagpigil diyan at sakalin kita. Sagot ko sa isipan.

Pagkaalis ng lalaki ay pumasok na ako. Bumalik pa nga ako sa labas dahil hindi ko madala lahat 'yung pagkain.

Ilan pang sandali ay tumatawag na si Kaiden.

"Hello?" Sagot ko.

"Ubusin mo 'yan at 'wag kang magtitira."

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now