"Anong gusto mong kainin?"Tumingala ako sa kaniya dahil sa biglang pagsulpot nito sa harapan ko.
"Tanghali na ba?"
"Nope, gabi na siguro." He said with full of sarcasm.
Sinamaan ko siya ng tingin, nagtatanong ako ng maayos tapos magpipilosopo siya.
"Ako na ang lalabas para bumili, umay na ako rito, eh."
"I will go with you."
"Hindi na, dito ka na lang dahil ayaw kitang kasama. Pati sa 'yo ay sawa na ako."
"Kung hindi lang kita gusto bak-"
Tumigil siya at hindi tinuloy ang sasabihin.
"Fine. Go."
Iniabot ko ang kamay ko sa kaniya, "Pera pambili, wala ng libre sa panahon ngayon."
Binigay naman niya 'yung black card niya ng walang reklamo.
"Here, buy everything you want." Everything?
"What if gusto kong bilhin ang buong mall?"
"Then buy it, I don't mind." Tumalikod na ito at bumalik sa swivel chair niya at pinagpatuloy ang ginagawa.
Aba, talagang mayaman nga ang ulupong, masuwerte pa rin ako dahil hindi kuripot ang boss na meron ako.
Ibang-iba sila ni Theo, ayon kailangan mo munang pilitin at once in a blue moon kung maisipang manlibre.
Napakamalas naman ng magiging girlfriend ni Theo.
Nagpaalam na ako rito at umalis na.
Ano kayang ibibili ko sa kaniya? Hindi ko naman alam kung ano ang gusto at ayaw niya.
Nakalimutan ko kasing itanong dahil sa pagmamadali.
Sa tagal ng pag-iisip sa kung ano ang ibibili ko sa kaniya, sa huli ay sa may karendirya na ako bumili.
Paglabas ko kasi kanina ay nakita ko 'yung karendirya sa hindi kalayuan.
Fried Chicken, Sipo Egg, rice and drinks na lang ang binili ko.
Bahala siya, ayaw ko ng masiyadong lumayo at nakakatamad din lumabas, sa tindi ba naman ng araw.
Kung hindi ko lang siya iniiwasan ay hindi naman ako lalabas. Masiyado kasing nakaka soffucate sa loob, lalo pa't panay ang tingin niya sa akin.
Pero si Kaiden parang wala lang naman sa kaniya. Hindi apektado o kung ano, siguro ay ako lang talaga.
Pagkabalik sa kompanya ay mabilis na umakyat na ako.
Bahagyang nakasiwang ang pinto ng opisina kaya natigilan ako sa pagpasok.
May naririnig akong tunog ng gitara sa loob kaya sumilip ako.
Nakatagilid si Kaiden mula sa kaniyang upuan at may hawak siyang gitara kaya naman hindi niya ako mapapansin.
Gitara? Parang hindi ko napansin iyon kanina.
Pagkalabit niya ng ilang beses sa string ay boses niya na ang narinig ko.
"In the midst of the crowds
In the shapes in the clouds
I don't see nobody but you
In my rose-tinted dreams
Wrinkled silk on my sheets
I don't see nobody but you"Does Kaiden know how to sing? This is the first time I heard him singing and it was very shocking knowing he has a golden voice.
"Girl, you got me hooked onto something
Who could say that they saw us coming?
Tell me, Do you feel the love?"
YOU ARE READING
Roses And Melody (Under Revision)
RomanceAryka Alcazar has a past that she wants to forget when she was a kid. That's why to cover up her wounds from that past, she's acting like a numb and heartless person until she meets Kaiden, a young billionaire who will make her fall in love with him...