5 years later...Nakaupo ako sa sofa ng marinig kong magbukas ang main door ng bahay at iniluwal nito ang dalawang bata.
"Mommy!"
Tumayo ako upang salubungin sila ng yakap.
Binuhat ko ang batang babae at hinawakan naman ang lalaki sa kamay.
Sabay kaming nagsi-upo sa sofa.
"What's wrong sweetie?" Nag-aalalang tanong ko.
"Kuya, anong nangyari sa kapatid mo?"
Ipiniling niya ang kaniyang ulo. "Hindi ko po alam, Mommy. Basta kaninang pagkasakay namin sa car bigla na lang siyang umiyak."
"Kasi naman kanina we have a test."
"And then?"
"My hands hurt because we should write our names on the paper, and guess what? We have five tests!" Itinaas pa nito ang kaniyang nakabukang daliri.
"So that's what you're complaining about right now?"
"Bakit kasi ang haba-haba ng name ko? I hate you, Mommy!"
Namumula na ang ilong, tainga at pisngi nito dahil sumisinghot siya.
"Why are you hating me? Blame your daddy. He's the one who named you sweetie."
Kaiden and I have two children and they are twins.
'Yung umiiyak ay ang bunsong babae.
Her name is Kia Ashira Celestine Nayela Alcazar Sandoval.
Chubby ito na maputi ang kutis, mahaba rin ang buhok niyang umaabot hanggang sa balakang, malalantik ang pilikmata nito at magka-iba ang kulay ng kanyang mga mata, sa kaliwa ay light green at sa kanan naman ay light blue, hindi ko rin alam kung bakit pero bihira lang daw ang nagkakaroon ng gano'n. Kahit bata.
Iyakin din siya at hindi mahilig makipaglaro sa ibang bata at mas gustong nandito lang sa loob ng bahay, o 'di kaya ay nasa lola't lolo niya.
Samantalang ang kambal niya naman na mas naunang lumabas ay si Kai Alcazar Sandoval. He was named after Kaiden's mom's nickname on him.
Bagsak ang buhok niyang two-block haircut din tulad ng sa ama. Maputi at makinis din siya, mahahaba ang pilikmata at sakto lang ang nipis ng kilay. Kulang brown naman ang kulay ng kanyang mata na nakuha rin sa ama. Mapula rin ang kaniyang labi na kakulay ng mansanas.
Carbon copy siya ni Kaiden noong bata.
Kabaliktaran naman ang ugali ni Kai kay Kia dahil bibo siya at mahilig makipaglaro sa kahit na sinong batang makakasalamuha niya, mas gusto rin niyang hindi natao dito sa bahay at madalas na sumasama sa Tito Delvian niya.
Para sa amin ay milagro silang dalawa dahil nagkaroon ng komplikasyon noon sa panganganak ko, mababang porsyento lang daw kasi na mailabas ko silang dalawa ng buhay.
Nang dahil doon ay hindi na ako pwedeng manganak pa ulit.
"Where's, Daddy?" An'ya sa naiinis na boses.
"Nandito na pala ang mga baby ko." Nakasandal si Kaiden sa may pinto malapit sa kusina.
"Dad!" Aning Kai sabay takbo sa ama para yumakap.
"Hey, kiddo. Daddy misses you."
"Me too!"
"How about my Nayela, don't you want to hug your dad?"
"Ayoko nga, galit ako sa 'yu!" Itinirik niya ang mga mata at nagpout ang manipis na labi.
Bukod pala sa iyakin ito ay attitude rin, ewan kung kanino nagmana.
YOU ARE READING
Roses And Melody (Under Revision)
RomanceAryka Alcazar has a past that she wants to forget when she was a kid. That's why to cover up her wounds from that past, she's acting like a numb and heartless person until she meets Kaiden, a young billionaire who will make her fall in love with him...