Namumungay na bumukas ang aking mga mata dahil sa tunog ng alarm.
Tinatamad na umupo ako at pinatay iyon.
Alas singko pa lang ng madaling araw kaya tamad na tamad pa akong bumangon pero wala akong choice, today is our examination day.
Nilingon ko si Kaiden na mahimbing ang tulog habang nakayakap pa rin sa akin.
What a baby.
Maingat na tinanggal ko ang kamay ni Kaiden at tumayo.
Binuksan ko ang ilaw at pumasok na ng banyo pero bago 'yon ay kumuha muna ako ng bagong tuwalya at inilagay na sa labahan ang ginamit.
6:30 dapat ay na sa school na ako dahil may usapan kami nila Alea na magrereview, kuno.
Sana lang review nga ang gagawin namin at hindi chismisan.
Malamig ang panahon kaya sure ako na malamig din ang tubig, mabuti na lang hot ako, 'yung shower pala.
Pumipikit-pikit pa ang mga mata ko at nandidilim ang aking paningin. Hindi naman kasi talaga ako sanay na gumigising ng maaga.
Minabilis ko lang ang pagligo dahil magluluto pa ako ng umagahan at mag-aayos ng gamit.
Nang magtotoothbrush na ako ay napansin kong dalawa ang toothbrush na nandito, meron din razor.
Kay Kaiden ba ang mga ito? Bakit ngayon ko lang yata napansin.
Bahala na, may decisionivility ang lalaking iyon kaya hindi na ako magtataka.
Sa labas na ako ng banyo nagbihis ng uniform tutal mahimbing naman ang tulog ni Kaiden.
Tangina, sure ako mamaya ay nanlilimahid na ako sa init dahil sa kapal ng uniform namin.
Nag lip balm lang ako at hindi na nag makeup, tapos ay nagsuklay na ng buhok.
Lumapit ako kay Kaiden at umupo sa kama.
He looks like an angel. Well, he was an angel, it's just that we didn't meet on good terms that's why I mistook him for being an annoying punk.
Wala sa sariling hinawakan ko ang mukha niya at pinisil ko ang pisngi niya. Matagal ko ng gustong hawakan itong mukha niya pero natatakot akong mahuli.
Ang lambot ng pisngi niya, at tulad ng sinabi ko ay makinis ang mukha ng lalaki.
Pinadaan ko ang aking kamay sa kilay niyang makakapal, napangiti ako ng bahagya kumunot ang kilay niya. Tapos ay ang ilong niya, ang tangos-tangos tapos makinis din, 'yung labi niyang bahagyang nakaawang ay nakakaakit, paano naman kasi ang pula no'n at mamasa-masa pa.
Will people believe when I said that this man liked me, that he was courting me?
How would my friends react?
Napasinghap ako ng dumilat ang mata niyang namumungay at nagtama ang aming titig.
Napakaamong tignan ng tsokolate niyang mga mata.
"Good morning, mio caro." An'ya sa namamaos na boses at bahagyang tumaas para halikan ako sa noo na malugod ko namang tinanggap.
"Good morning. Wala kang pasok sa trabaho?"
"Anong oras na?"
Tumingin ako sa relo, "Alas sais na."
"Nagluto ka na?"
"Hindi pa, magluluto pa lang."
"No need, I'll cook. Just take a rest or review your lessons for your exams."
Hindi ko nabanggit sa kaniya na exam ko pero alam niya.
Siguro ay dahil sponsor siya sa school kaya may alam siya.
YOU ARE READING
Roses And Melody (Under Revision)
RomanceAryka Alcazar has a past that she wants to forget when she was a kid. That's why to cover up her wounds from that past, she's acting like a numb and heartless person until she meets Kaiden, a young billionaire who will make her fall in love with him...