Epilogue

621 11 10
                                    

Two years later...

"I'm going on a business trip."

Agad na napabalikwas ako ng bangon dahil sa sinabi ni Kaiden.

"Bakit biglaan yata?"

"Yeah."

"Kailan alis mo? Kailan balik mo?"

"Later at 8 pm. I will be back in a week."

Napaawang ang labi ko bago tinignan ang orasan, alas syete na ng gabi.

"You are not kidding me, are you?"

"Seryoso ako."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Ngayon lang ako sinabihan."

Ano nanaman bang rason 'yon? Siya ang Boss kaya dapat alam niya hindi ba?

"Ihahatid ba kita?"

"No need, just rest here as I'm gonna use a private jet."

"Why?"

"I don't want you to get tired."

"Liar."

Lumapit ito sa akin at magaang hinalikan ako sa noo pagkatapos ay niyakap ako. "I love you."

Kahit medyo naiinis ako ay sumagot pa rin ako.

"I love you too."

"I need to go"

'Tyaka ko lang napansin na nakalabas na iyong maleta niya na may damit na agad, tinatabi niya na kasi iyon para sa biglaang alis. Like this, a business trip.

Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya dahil ramdam kong patulo na ang aking luha.

Hindi ko naman siya pwedeng hindi paalisin kasi mukhang importante.

"Call me when you get there, okay?"

Itiningala niya ang ulo ko pero nag iwas din ako ng tingin dahil sumisinghot na ako.

May sipon na 'atang natulo.

"Promise ko na last business trip ko na ito and this will be worth the wait, I assure you that."

"Dapat lang kasi hindi kana pwedeng umalis niyan na wala akong hayop ka."

Muli akong nitong hinalikan sa noo, sa tungki ng aking ilong, sa pisngi, at sa labi bago tuluyang humiwalay sa akin.

Hanggang sa pinto ko na lang siya natanaw dahil ayaw niya ng magpahatid hanggang baba.

Mas lalo niya raw akong mamimiss kapag gano'n kaya mas mabuting huwag na akong lalabas.

Mag-isa akong nakatulala sa pinto.

Bakit parang isang kisapmata lang ang nangyari?

Bakit parang diyan lang sa company ang punta niya kung makapagpaalam siya?

Ba't parang wala lang sa kaniya?

Ipiniling ko ang aking ulo dahil sa mga overthinking ko.

Pumasok ako ng kwarto at sa unan ko inilabas ang lahat ng luha ko at inis.

Bakit kasi agad-agad? Ang weird talaga minsan ni Kaiden, hindi ko siya maintindihan at hindi ko magawang basahin ang iniisip niya.

Nang tumahan na ako ay naisipan kong tawagan si Alea para sa kanya ko rin ilabas lahat ng gusto kong sabihin.

Ilang ring lang naman at sumagot na ang nasa kabilang linya.

"Hello, girl. Aba himala at napatawag ka."

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now