"This is for you."
Iniabot niya sa akin 'yung paper bag na hawak niya kanina.
"Ano ito?"
"Regalo, ano pa ba?"
"Tapos na ang birthday ko."
"Should giving a gift be just for birthdays? Don't you want to?"
"Hindi naman sa gano'n, pwede ko ng buksan?"
"Do whatever you want, it's yours anyway."
Medyo madami 'yung laman ng paper bag atyaka may kalakihan siya kaya parang na excite tuloy ako.
Una kong nahawakan ay isang Louis Vuitton scarf na kulay latte.
"Ano namang gagawin ko rito? Napakainit kaya dito sa Pilipinas."
"You will use it someday, trust me."
"Okay, next." Yey! Nakakatuwa para akong bata.
Isang di gaanong kalakihang music box na kahoy ang disenyo.
"Open it."
Sinunod ko ang sinabi niya at inikot ko ang control nito.
Biglang may instrumental music ang tumugtog, ang sarap pakinggan.
"Do you like it?"
Tumango ako at pinatay na ito, mamaya pakikinggan ko ulit bago ako matulog.
Next naman ay isang camera. I remember that I used to have this one when I was 8 years old ang kaso ay nasira na at hindi na ako ulit nakabili.
I love taking pictures way back then, I will surely keep this one.
Next naman ay isang black box na ang laman ay necklace.
"That is an antique necklace that I won at an auction." Sabi niya.
Auction? Mahilig pala siya doon.
Isang gold necklace at pulang rosas ang pendant nito, nasa loob ito ng isang animo'y babasaging diyamante.
"Isn't this expensive?" Kasi ang sabi niya napanalunan niya ito sa isang auction.
"Not really."
And the last one is a dried flower.
Everything he gives me is kind of unique tho, but I love it.
Napakarami naman nito, sa Manila lang naman siya nagpunta, at isa pa ay bakit niya nga ako binibigyan ng regalo?
Tumingin ako sa kanya at inusisa ito.
"What's the problem? Hindi mo ba nagustuhan ang mga pasalubong ko?"
"Ah, hindi sa gano'n nagtataka lang ako para saan itong mga pasalubong."
"To say thank you."
"Nagpapasalamat ka sa 'kin? Kinaiinisan nga kita diyan."
"Yeah, I know, I like you too." Napaiwas ako ng tingin at pinamulahan ng mukha.
"By your reaction, you already read that letter."
Haha, please anong gagawin ko? Tulong!!
Sana kainin na lang ako ng lupa sa mga oras na ito. Please po!
"A-ano kasi, s-sorry napakielaman ko." Jusko po ba't ako nauutal! Shit that letter. Sana hindi ko na binasa.
"Why say sorry? It's for you anyway." Ani niya sa kaswal na boses.
Nararamdaman kong nakatingin siya sa 'kin habang nakapangalumbaba sa lamesa.
"B-baliw ka."
"You made me this and you should take responsibility."
YOU ARE READING
Roses And Melody (Under Revision)
عاطفيةAryka Alcazar has a past that she wants to forget when she was a kid. That's why to cover up her wounds from that past, she's acting like a numb and heartless person until she meets Kaiden, a young billionaire who will make her fall in love with him...