Sinimulan ko ng lagyan ng mga gamit ang kwarto, I design it on my own.
Eh, sarili ko naman ito.
Nilagyan ko ng kurtinang kulay abo ang salamin. 'Yung sa bandang likuran ko, hindi iyong tapat ng kay Kaiden dahil kabilin-bilinan niyang huwag iyong tatakpan.
Akala mo naman hindi ako magtatrabaho kung makabantay.
Nilagyan ko rin ng mga libro iyong walang laman na cabinet. 'Yun lang ang ginawa ko at nagsimula ng basahin ang mga guidelines.
I hate doing this, reading is boring lalo na kung about work. Buti sana kung konektado ito sa wattpad, wala rin namang kwenta dahil madali lang ang mga nakasaad dito, Isinandal ko ang likod ko sa may upuan dahil inaantok ako at ang sakit sa batok, dahil mula kanina ay nakaduko ako.
Ibinaling ko ang aking ulo sa gawi ni Kaiden, focus siya sa sariling trabaho.
Nakaka-antok lang lalo kung titignan mo siya.
Pero in fairness pogi niya sa suot na specs ah.
Sandaling ipinikit ko ang aking mga mata, wala pa naman akong ginagawa maliban dito sa mga binabasa ko pero pagod na ako.
Nag iisip-isip lang ako ng mga bagay ng may maramdamang presensya sa harapan ko at ramdam kong nakatitig ito sa akin.
Iminulat ko ang aking mata at tumambad sa 'kin, si Kaiden na malamlam ang pagkakatitig.
Nakalagay ang dalawa nitong kamay sa magkabilang bulsa ng slacks na suot niya.
Ibinuka ko pal ang ang aking bibig ng maunahan ako nitong magsalita.
"Take a rest, my Yka." Malumanay lang ang boses niya na parang hinihelele ako nito.
Walang lakas na pumikit ang aking mga mata.
'Yun lamang ang salitang narinig ko sa kanya at tuluyan na akong kinain ng dilim.
Naalimpungatan ako ng 'di ko alam kung anong oras pero tiyak kong gabi na ayon sa dilim na lumalagos sa kurtina.
Tumayo ako ng tuluyang magising na ang diwa ko, tumingin ako sa gawi ni Kaiden na nakaupo pa rin siya doon at naka focus sa mga ginagawa, what a workaholic man.
Mas okay na rin 'yon kaysa nanggugulo siya.
Sinilip ko 'yung maliit na clock sa table ko at ayon dito alas dyes na ng gabi?! Ang haba ng tulog ko at wala man lang akong ginawa kung 'di matulog.
Medyo nakaramdam tuloy ako ng hiya.
Habang inaayos ang mga gamit na nakakalat at paghahanda para sa pag-uwi ay may narinig akong tumikhim sa likuran ko, napaigtad pa ako sa gulat.
"You're awake." Ang kultong ito bigla-bigla na lang susulpot kung kailan niya gusto.
"Ah, yes. I'm sorry I slept while working." Paghingi ko pa ng despensa.
"It's fine, I understand." Napaka maintindihin niya naman mas gusto ko pa yata 'yung naiinis ako sa kanya.
"May mga iuutos kaba dapat kanina na gagawin ko?"
"To be honest, yes."
"Huh? Bakit di mo ako ginising?"
"Why would I wake a sleeping person?"
"Pero kahit na oras pa rin ng trabah-"
"I said it was fine, did you hear me or not?" Putol niya sa sasabihin ko.
"Sabi mo eh, babawi na lang ako bukas."
"Instead of that can I ask for a favor?" Ano naman kaya iyon?
YOU ARE READING
Roses And Melody (Under Revision)
RomanceAryka Alcazar has a past that she wants to forget when she was a kid. That's why to cover up her wounds from that past, she's acting like a numb and heartless person until she meets Kaiden, a young billionaire who will make her fall in love with him...