Amira Louis Takahashi RiveraI'm walking in this dark and empty alley. Still hoping to see him here again. Every time I finished working at my coffee shop, dito ako dumadaan pauwi. Yes, I have my own car, but I always choose to walk to go home. Because I'm still hoping that maybe one day I will see him here again waiting for me at the end of this alley.
It's been a years since we said goodbye to each other. I mean, hindi sya nag-paalam sa akin pero alam ko na maaaring iyon na ang huli naming pagkikita. I understand his decision, he's just trying to protect me. But it hurts me big time.
Sa kalagitnaan ng paglalakad ko sa hallway na ito ay bigla akong nakarinig ng malakas na sigaw kasabay ng mabibigat na takbo papalapit sa pwesto ko.
"Magpakita ka na sa amin, wag mo kaming pinapahirapan. Alam mo kung anong pwedeng gawin sayo ni Boss kapag nalaman nya na tumakas ka na naman." Malakas na sigaw ng kung sinong lalaki.
Bigla akong kinabahan. Biglang hindi ko alam ang gagawin ko, kung magpapatuloy ba ako sa paglalakad o tatago?
Ang mga yabag ng paa na iyon ay papalapit ng papalapit sa akin. Lalo akong nagpanic sa aking gagawin. Pano kung bumalik na lang kaya muna ako sa coffee shop ko at magpalipas muna ng oras doon? Tama, tama, babalik na muna ako.
Pero hindi pa ako nakakahakbang papalikod ng may biglang tumakip sa aking bibig kasabay nun ang pagpulupot ng isang matigas na braso sa bewang ko. Nagpupumiglas ako pero masyado syang malakas. Ito na ba ang katapusan ko? Hinila ako nito papunta sa sulok sa pinakatagong bahagi ng alley na ito na kung saan natatabunan ng malalaking lagyanan ng mga basura.
Pilit parin akong nagpupumiglas sa kanya pero masyado talaga syang malakas. Ang mga boses at ingay ng yabag ng mga lalaki kanina ay palapit na sa aming pwesto. Nagulat na lang ako ng bigla kong makita ang mga ito sa unahan namin.
Tumigil ang isa sa kanila bago nagmasid masid sa paligid pero sadyang malabo ata ang mata nya dahil hindi nya kami nakita at tumakbo na ito pasunod sa mga kasama nya.
Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon ng naramdaman ko ang unti unting pagluwag ng hawak nito sa aking bibig at sa bewang ko. Ito na ang pagkakataon ko para suntukin ang taong ito ng bigla akong natigilan ng magsalita ito.
"Bossing." He whispered. Gulat akong tumingin sa kanya at ng magsalubong ang aming mata ay nagsiunahan ng tumulo ang mga luha ko sa aking mata.
Humarap ako sa kanya at mahigpit syang niyakap. Naramdaman ko rin ang yakap nito sa akin at ang paghalik nito sa aking ulo.
After many years, dininig din ng langit ang lahat ng kahilingan ko. Tumingin ako sa kanya. Tumutubo na Ang bigote at balbas nya. Halata mo rin sa mga mata nya na parang wala pa itong tulog. May malaking syang sugat sa gilid ng nuo nya bago sugat at pasa sa gilid ng labi nya na halata mong bago pa lang.
Napahagulhol ako habang nakatingin sa kanya. He cupped my face and looked at me like I was the most precious living thing he saw in this world.
"I miss you so much. I miss my baby so much. My bossing." Sabi nito at mariin akong hinalikan sa labi. Tinugunan ko ang mga halik nya bago pumikit.
Pagkatapos ng halik na iyon ay natahimik kami ng ilang minuto. Naputol lang ito ng bigla kaming makarinig ng malakas na putok ng baril.
"I-I need to go." He said and kissed me on my lips again. Bago sya naglakad paalis pero pinigilan ko sya.
"Come with me please, Kobe." Nagmamakaawang sabi ko sa kanya. Malungkot lang syang tumingin sa akin bago umiling-iling.
"Hindi pwede, Amira. Ayokong madamay ka ulit sa gulong ito. Babalik ako kapag okay na ang lahat. I promise." Sabi nito. Malungkot akong tumango-tango sa kanya.
"I'm so sorry, Amira. Please understand." He said. Tumango-tango na lang ako. Malungkot syang yumuko at tumalikod na sa akin.
Bago sya makalayo sa akin ay nagsalita ako na ikinatigil nya.
"Kelan mo kaya ako pipiliin? Dahil hindi ko maipapangako sayo na mahihintay pa kita ulit. Hindi ko maipapangako sayo na sayo parin ako sa pagbalik mo." I said. Hindi ko na hinintay pa na humarap sya sa akin dahil tinalikuran ko na agad sya at mabilis na tumakbo palayo.
Alam ko ang pina-plano ng mga magulang ko. Alam kong darating ang araw na may ipapakilala silang ibang lalaki sa akin para maging asawa ko...
*****
🌷
BINABASA MO ANG
Love In Chaos (Chavez Boys Series #1)
RomanceWho will you choose? The man you love or your family? Can you abandon your family for the man you love, or can you abandon and forget the man you love for your family? In this chaotic world, can you protect love on the battlefield, or will you let...