AMIRA'S POV
_________Pagkauwing-pagkauwi namin ay kinuha ko agad ang gamit ko at dire-diretsong pumasok sa aking kwarto. Hindi na ako nagbala pang kumain dahil busog pa naman ako at gusto ko ring idiretso ang tulog ko.
Pagkaayos ko ng aking gamit ay agad akong humiga sa sofa. Feel ko lang matulog dito, dito kasi natutulog si Kobe e. Nadala naman agad ako ng antok dahil sa pagod na rin sa byahe.
Naalimpungatan ako ng may dahan dahang bumuhat sa akin at ilapag ako sa kama. Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad agad sa akin ang itsura ni Kobe.
"I'm sorry, I wake you up." He said. Tumayo ako at niyakap sya.
"Na-miss kita sobra." Sabi ko dito. Narinig ko ang mahihinang tawa nito.
"Isang araw mo pa lang akong hindi nakita, miss mo na agad ako?" Sabi nito at ngumisi.
"Syempre. Btw, kinain mo ba ang bigay ko? Masarap ba yung cookies?" Sabi ko sa kanya.
"Yes, ikaw ang nag-bake?"
"No, pinagawa ko yun kay Manang Suzie." I said.
"Marunong ka ba?"
"Yes." Sabi ko at ngumiti.
"I want to taste your cookies." He said.
"Sa susunod, gagawan kita." Sabi ko sa kanya.
"Kumain ka na ba?" I asked him. Tumango-tango ito.
"Ikaw? Have you eaten?" Umiling-iling ako.
"Why?"
"Uhm, nagpahinga lang muna ako. Nakakapagod kasi ang byahe." Sabi ko dito. Tumango-tango ito.
"Kumain ka na. I'll wait you here." Sabi nito. Ngumiti ako bago umalis na ng room. Kukuha na lang ako ng pagkain at sa room na lang kakain.
Pagkababa ko ay kumuha na agad ako ng pagkain at tubig bago nagmamadaling pumunta pataas. Naabutan ko si Beatrice na kakalabas lang ng room nya. Inirapan ako nito. Pumasok na lang ako sa kwarto at ni-lock agad iyon.
"Kobe?" Tawag ko sa kanya na nakahiga sa sofa.
"Pagod ka ba?" Tanong ko dito.
"Medyo lang." Sabi nito.
"Why?"
"Naging busy lang ako kanina. Marami lang inasikaso. Can I sleep here again?" He said. Tumango-tango ako sa kanya at ngumiti.
"Kain, Kobe." Yaya ko dito.
"Eat Well!" Nagsimula na akong kumain minsan napapatigil kapag nagtatanong ito.
"How's your stay in your grandparents house?" He said. Malakas akong nagbuntong hininga.
"It's not fine. Nasagot ko si Lola. Am I a bad apo now? I just can't control my feelings. Nadala ako sa mga masasakit na natanggap ko galing sa sarili kong Lola. It's not actually a big deal for me, okay lang na insultuhin nya ako but not infront of my parents. I just couldn't take it, I exploded, and it was too late before I realized what I had said." I said.
BINABASA MO ANG
Love In Chaos (Chavez Boys Series #1)
RomanceWho will you choose? The man you love or your family? Can you abandon your family for the man you love, or can you abandon and forget the man you love for your family? In this chaotic world, can you protect love on the battlefield, or will you let...