AMIRA'S POV
______
"Amira, where here." Sabi sa akin ni Mommy pagkatapik nya sa braso ko.Pagtingin ko pa lang sa malaking mansyon ay bumigat na agad ang loob ko. Ang totoo nyan, si Lolo lang talaga ang namiss ko. Sya lang naman ang mabait sa akin. Ang my parents are aware about it. Kaya naiintindihan nila ako kung bakit ayokong mag-tagal dito.
"Sabi ng Tita Berry mo, andito daw si Beatrice mo." Daddy said.
Hindi ako umimik. Ito na nga ba ang kalabaryo ko. Bakit lagi na lang kapag pupunta ako dito, andito din sya. Para ano? Para damang dama ko yung pangko-compare at pangiinsulto sakin ni Lola.
Ayokong magtanim ng galit or magalit sa isang tao pero minsan ang hirap na rin talaga maging mabait.
Pagpasok namin ng mansyon ay sumalubong agad sa amin ang mga kasambahay nila Lola. Kinuha nito ang bag ko at ibang gamit bago dinala ito sa dating kwarto ni Mommy sa bahay na ito.
"Asan si Mama, Aling Bona?" Tanong ni Mommy sa isa sa pinaka matanda ng kasambahay dito. Matagal na itong naninilbihan kila Lola. Sana all, nakatagal!
"Nasa taas, Hija. Andun na rin ang malditang si Beatrice." Sabi nito. Yan ang gusto ko kay Aling Bona, hindi plastic.
"Hello po, Nay Bona." Bati ko dito at nginitian ito. Ngumiti ito ng malapad sa akin.
"Amira? Ang laki laki mo na at ang ganda pa. Bakit ngayon mo lang naisipang dumalaw dito?" Tanong nito sa akin.
"Busy po kasi ako kaya ngayon na lang din po nakapunta." Sabi ko dito.
"Sa susunod huh. Palagiin mo ang pagdalaw dito. Na-miss kita ng sobra." Sabi nito at pinisil pa ang aking pisngi. Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam na.
Habang naglalakad papunta sa kwarto ni Lola at mas bumibigat ang loob ko.
Kumatok muna si Mommy ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. Malakas akong napabuntong-hininga. Naunang pumasok si Mommy samantalang si Daddy naman ay laging nasa gilid ko lang.
Bumungad sa akin ang nakangiting si Lola habang nakatingin kay Mommy pero ng tumingin ito sa akin ay nawala ang ngiti nito. Ayan na sya, nagsisimula na.
"Akala ko ba'y ikaw at ang asawa mo lang ang pupunta dito?" Sabi nito at tinaasan ako ng kilay. Bored lang akong tumingin sa kanya.
"Ma, be nice to my daughter." Sabi ni Mommy kay Lola. Inirapan nito si Mommy bago tumingin kay Amira at ngumiti. Ayan na sya.
"Lumapit ka dito, Amira. Hindi ka manlang ba magmamano sa aking bata ka? Walang modo talaga." Kahit na mahina lang ang pagkakasabi nya ay nahagip parin ito ng tenga ko. Di ako umaalis sa posisyon ko ng mahinang itulak ni Daddy ang likod ko.
"Mag-bless ka sa Lola mo, Amira." Mahinang sabi ni Daddy. Malakas muna akong bumuntong-hininga bago lumapit kay Lola.
Masama itong tumingin sa akin ng makalapit ako. Di ko na lang iyon pinansin at nagmano na lang. Babalik na sana ako sa tabi ni Daddy ng matigilan ako sa sinabi nito.
"Tinuturuan mo ba ng magagandang asal ang anak mo, Celeste? Halatang puro ganda, malamang walang laman ang utak nyan at wala pang galang." Dire-diretsong sabi nito.
BINABASA MO ANG
Love In Chaos (Chavez Boys Series #1)
RomanceWho will you choose? The man you love or your family? Can you abandon your family for the man you love, or can you abandon and forget the man you love for your family? In this chaotic world, can you protect love on the battlefield, or will you let...