CHAPTER 10 (Apologizing)

48 4 0
                                    

AMIRA'S POV
________

Ngayon ang dating ni Mommy samantalang si Beatrice at sila Manang naman ay wala ngayon. Si Beatrice kasi ay hinatid na ni Daddy sa Manila at sila Manang naman ay pinayagan nila Daddy ng mag-leave na muna.

Kaya ako lang mag-isa sa bahay. Di ko alam kung pupunta ba ako sa hacienda, di ko rin naman kasi makikita si Kobe dun dahil busy ito kasama daw ang Daddy.

E kung pumunta na lang kaya ako sa ilog sa hacienda at maligo doon. Na-miss ko na ring maligo dun. Sobrang linis kasi ng tubig at ang lamig lamig pa. Malapit lang naman ito kaya okay lang naman siguro kung magisa lang ako pupunta doon.

Nag suot ako ng puting dress bago gumawa na rin ng pwede kong makain at maiinom mamaya. Pagkatapos ay kumuha ako sa kwarto ko ng masusuot ko pagtapos maligo at isang tuwalya.

Hinatid ako ni Manong doon. Nagpaalala pa ito sa akin na hanggang 10 lang ako doon. Pagkatapos nun ay kinuha ko si Chisa at pinatakbo ko ito hanggang sa ilog.

Tinali ko muna ito sa puno bago ko nilapag sa malaking bato ang mga gamit at pagkain na dala. Lumusong ako sa malamig na tubig ng ilog at lumangoy-langoy dito. Limang araw na ang nakakalipag pero di ko parin makalimutan ang nangyari at sinabi ni Kobe nung nasa tree house kami.

"Yeah, you look like a criminal that can steal someone's heart in just a snap. Nagawa mo na nga e. You already stole my heart."

.

"I love your scent, you smells like strawberry. Very sweet."

.

"Baby, I said behave. Baka di ko ma-control ang sarili ko at magawa natin ang ikakagalit ng parents mo sakin."

Now I get it. Muntik na, buti na lang nako-control pa ni Kobe ang sarili nya. You're such a naive and dumb, Amira.

Nawala ang pagiisip ko sa nangyari sa amin ni Kobe ng bigla akong nakaramdam ng may nagmamasid sa akin. Tumingin-tingin ako sa paligid at itinabon ang braso ko sa aking dibdib. Alam kong bumabakat ang suot kong bra dito. Nagmasid-masid ako sa paligid pero wala naman akong nakitang tao.

Bumalik na lang ako sa pagligo at hindi na pinansin ang nararamdaman ko dahil baka nagha-hallucinate lang ako. Pero Maya maya lang ay natigilan ako ng makarinig ako ng ingay. Napatingin agad ako sa paligid pero wala naman akong nakita. Doon na ako kinabahan kaya tumayo na ako at naglakad na agad papunta sa mga gamit ko. Pero di pa man ako nakakalapit ng may lalaking bigla ng lang sumulpot sa unahan ko. Kanina pa pala ito nagtatago sa malaking puno kung saan ko tinali si Chisa.

Ang pangit ng mukha nito, malaki ang tyan na maitim. Nakangisi ito habang nakatingin sa dibdib ko. Naisip ko na agad kung ano ang gagawin ko bago ito makalapit sa akin. Sumigaw ako ng sobrang lakas, sana may makarinig sa sigaw ko. Doon ito tumakbo papunta sa akin. Tumakbo din ako pero mabilis nitong mahawakan ang mga braso ko. Sumigaw ulit ako ng sumigaw, wala na akong pake kung mawalan man ako ng boses. Mas natatakot ako sa maari nitong gawin sa akin.

"Don't touch me, you ugly creature." Malakas na sigaw ko pero masyado itong malakas. Naiiyak na ako.

Pilit nya akong hiniga sa lupa. Di ko magawang pumalag dahil masyado syang malakas.

"Wag kang lumapit sa akin, ang baho ng hininga mo. Help me, Kobe!" Malakas na sigaw ko. Agad nitong nilagyan ng tela ang bibig ko para di ako makasigaw ng malakas. Pumalag-palag ako at sinubukan paring sumigaw. Sunod sunod na sa pagpatak ang mga luha ko lalo na ng sirain nito ang suot kong dress sa mismong parte ng dibdib ko.

Love In Chaos (Chavez Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon