CHAPTER 11 (Need to Protect)

40 4 0
                                    

AMIRA'S POV
_______


"I want to kiss that little wound beside your lips. Can you allow me, Amira?" He said while looking at my lips. Natigilan ako at medyo nagulat sa sinabi nya pero agad din namang nakabawi.

"Ba-baka may m-makakita, Kobe." Napakagat na lang ako sa ibaba ng labi ko dahil sa aking nasabi. Nakita ko ang dahan dahang pag-ngisi ng labi nya.

"Mamaya na lang. I'm planning to sneak in to your room later. Am I allow to sleep again inside your room, Amira?" He said. Tumango-tango na lang ako.

"Kobe, do you like me?" I said.

"More than that, Amira." Mahinang sabi nito kaya di ko ito masyadong narinig.

"Huh?" I said.

"I said, yah." Sabi nito.

"Why aren't you courting me?" I said. Napakagat na naman ako sa aking labi dahil sa sinabi.

"You want me to court you?" Tanong nito habang nakangisi ng malaki. Dahan dahan akong tumango-tango.

"But it's okay if a-ayaw mo. Di rin naman kita masisisi, hin-hindi na ako malinis Kob——"

"Don't fucking say that, Amira. Ayokong marinig yan sayo, please. Nothing will change. I will court you, magpapaalam ako kila Tito at Tita." Sabi nya sa akin.

"Hindi ba magagalit ang, Daddy mo?" Tanong ko dito. Medyo natigilan ito sa sinabi ko.

"Wala ng pakialaman si Daddy sa desisyon ko. I can decide whatever I want to. I can choose what I need to." Sabi nya sa akin at ngumiti sya. Hinawakan nya ang kamay ko bago hinalikan ang likod nito. Napakagat ulit ako sa aking labi para pigilan ang mapangiti sa ginagawa nya.

"May pupuntahan pala ako mamayang hapon."

"San ka pupunta?" Nagtatakang tanong ko.

"May bibilhin lang ako sa palengke, Bossing." Sabi nito sa akin.

"Sinong kasama mo?"

"Ako lang, Amira." Sabi nya.

"Maraming babae dun." Sabi ko na kinatawa nya ng mahina.

"Wala naman akong pakialaman sa kanila e. Sandali lang ako dun, Bossing. May bibilhin lang talaga ako." Sabi nito. Tumango-tango na lang ako. Gusto ko mang sumama sa kanya pero natatakot parin akong lumabas.

Lumipas agad ang oras, hapon na ngayon at nagpaalam na sa aking aalis na si Kobe. Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang kalooban ko sa pagpaalam nya sa akin. Babalik pa naman sya mamaya pero di ko maintindihan ang sarili ko at ayaw ko syang paalisin.

Sunapit ang gabi, hinayaan kong nakabukas lang ang pinto sa terrace ko. Naligo muna ako at nag toothbrush at hinintay sya. Pero umabot na ang madaling araw at umaga ay hindi manlang ito pumunta sa kwarto ko or sa bahay namin.

Naging busy si Daddy sa darating na halalan, madalas itong wala sa bahay kaya kami lang lagi ni Mommy ang magkasama. Gustuhin ko mang sumama kay Daddy ay natatakot parin ako.

Tuwing gabi ay lagi akong binabangungot, nagkaroon na rin ako ng anxiety kaya ang pag-alis ko dito ay napaaga. Pina-homeschool muna ako ni Mommy at dumadalaw din kami sa psychiatrist.

Nanalo si Daddy bilang Mayor, ikinatuwa ko iyon pero kabaliktaran ito ng kay Mommy. Tinatanong ko si Mommy kung bakit pero hindi nito sinasabi sa akin.

Grumaduate ako ng senior high school ng hindi ko parin nakikita si Kobe. Excited pa ako dahil bakasyon na pero yung excite kong nararamdaman ay napalitan ng lungkot ng hindi ako payagang umuwi ni Mommy.

Love In Chaos (Chavez Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon