AMIRA'S POV
________One month had passed ng walang kahit na bakas ni Kobe ang dumating. Ilang araw na rin ng tinigil kong dumaan sa eskinitang iyon. I stopped hoping that I would see him there again.
Nag-leave muna ako ng isang araw sa cafe para samahan si Mommy sa kaibigan nito sa Baguio. Tita Belle what's to see me. Di ko naman matanggihan kasi na-miss ko na rin si Tita Belle.
Pagkarating namin sa bahay nila ay sinalubong agad kami nito. Humalik si Mommy sa pisngi nito at ganun din ako.
"Oh my goodness. Your daughter's beauty is like a goddess." Pag-pupuri nito sa akin. Nahihiya naman akong ngumiti kay Tita.
"I know, kanino pa ba magmana yan? Syempre sa akin." Sabi ni Mommy.
"Hello, Amira. It's been years since you came here. Why? Are you busy, Hija?" Sabi ni Tita Belle.
"Hi, Tita! I'm sorry po, naging busy po talaga ako. Mas lalo po kayong gumanda." Sabi ko dito. Malawak itong ngumiti sa akin na kitang kita na ang bagang nito. Alam kong gustong gusto nya na pinupuri sya. But I'm not lying, maganda talaga si Tita Belle, lalo na siguro nung kabataan nito.
"Kaya gustong gusto kitang bata ka e. Mahilig kang mag-sabi ng totoo." Sabi nito sa akin bago ikinawit nito ang braso sa braso ko at hinala na kami papasok sa bahay nila.
Saktong pagpasok namin ay ang pagbaba ng anak nito na si Travis na parang pinaglihi din sa sama ng loob ni Tita Belle. Sa tuwing pumupunta ako dito ay hindi ko ito nakitang ngumiti manlang. Lagi itong seryoso at madalas na nakakunot ang nuo na para bang laging problemado sa buhay o pasan pasan ang lahat ng problema.
Tumingin lang ito saglit sa akin bago ito dire-diretsong pumasok sa loob ng kusina nila. Isa pa sa nakakainis sa kanya ay wala itong galang. Tsk!
Nakalimutan ko palang banggitin na Chavez ang apelyido ng napangasawa ni Tita Belle. Di ko alam kung kaano ano ng asawa nito si Kobe.
"Travis, come here. Batiin mo muna sila Tita Celeste mo." Sigaw na tawag ni Tita Belle kay Travis. Bored itong lumabas ng kusina bago lumapit sa amin at nagmano kay Mommy. Tinitigan lang ako nito bago nagiwas ng tingin.
"I'm going upstairs. I have a lot of work to do. Excuse me." Sabi nito sa mababang boses at iniwan na kami sa sala. Buti na lang talaga at hindi ko ito matagal na nakakasama sa iisang lugar. Nakakainis kasi ang presensya nya. Nakakasira ng araw.
Nag-kwentuhan lang kami bago nag-yaya si Tita Belle na pumunta kami sa Mall para mag-shopping.
"Dito lang kayo huh. Pupunta lang ako sa taas." Sabi ni Tita Belle at iniwan na kami sa sala.
"Ang poging bata ng anak ni Belle no. Bagay na bagay kayo, Anak." Sabi ni Mommy sa akin na ikinakunot ng nuo ko.
"Yuck, Mommy!" Sabi ko dito. Nilakihan ako nito ng mata.
"Hinaan mo nga yang boses mo at baka marinig ka pa ng anak ni Belle. Bagay naman talaga Kay——"
"I don't like him." Sabi ko kay Mommy. Ngumisi ito sa akin.
"Because you already like someone." Pang-aasar nito sa akin. Umiling-iling na lang ako sa kakulitan ni Mommy. Kinuha ko ang juice sa lamesa at uminom.
"Akala mo ba hindi ko alam na pumupunta sa apartment mo si Kobe huh. Wag munang magpapabuntis, Anak, magpakasal muna kayo." Nabulunan ako sa juice na iniinom ko dahil sa sinabi ni Mommy. Nanlalaki ang mata na tumingin ako sa kanya. Samantalang sya naman ay nakangiti lang sa akin ng nakakaloko.
BINABASA MO ANG
Love In Chaos (Chavez Boys Series #1)
RomanceWho will you choose? The man you love or your family? Can you abandon your family for the man you love, or can you abandon and forget the man you love for your family? In this chaotic world, can you protect love on the battlefield, or will you let...