CHAPTER 9 (Behave)

50 4 0
                                    

AMIRA'S POV
________

"Ang totoo talaga nyan, hindi talaga maging reporter ang gusto ko." Sabi ko sa kaharap kong si Kobe. Natawa ako sa reaction nya dahil napangiwi pa ito.

"So pinagti-tripan mo lang pala ako, Bossing?" Sabi nito sa akin.

"Hmm, siguro." Sabi ko bago tumawa. Umiling-iling ito sa akin pero habang nakangisi.

"Silly." Sabi nya. Natahimik kami ng ilang minuto. Hindi nakaka-awkward ang katahimikang bumalot sa amin.

"The view is beautiful right..." Sabi nito.

"Yes."

"...but you're more beautiful than it." Sabi nya. Natigilan ako dahil sa sinabi nya. Hindi ako sanay sa mga compliments lalo na kung sa pangpisikal na itsura. I always feel awkward pero pag sya ang nagsabi iba ang nararamdaman ko. Kinikilig ako.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at napakagat sa aking pang-ibabang labi.

"Thank you." I whispered.

"You're always welcome, Bossing. Let's go horse riding." He said. Tumayo na kaming dalawa.

"Louis!" Narinig ko ang malakas na sigaw ng pinsan ko. How come? Pano sya nakapunta dito.

"Kanina pa kita hinahanap. Oh who's this handsome men beside you?" Sabi nya at pabebeng ngumiti kay Kobe. Tumingin ako kay Kobe na nakangisi. Nawala ang ngisi nito ng makita nya ang masama Kong tingin sa kanya.

"He-he's——"

"Hi, I'm Beatrice. What's your name, do you have a girlfriend. Pwede bang ako na lang." Sunod sunod na sabi ni Beatrice sa kanya na nakapag painit ng ulo ko.

"Back off, Beatrice." Sabi ko at tinulak ang mukha ni Beatrice na malapit na kay Kobe. What the fuck! Hahalikan nya agad si Kobe.

At ito namang lalaking ito, di manlang umiwas. Masama ko ulit tinignan si Kobe pero sa halip na matakot sa tingin ko ay mas ngumisi pa ito. Mas lalong sumama ang mukha ko.

"Beatrice, bumalik ka na dun. Mangangabayo pa kami ni Kobe." Pangtataboy ko sa kanya pero hindi ako nito pinansin dahil nakatingin lang ito kay Kobe at nakangiti.

"Kobe, tara na." Sabi ko kay Kobe at hinila na ito.

"Wait, sama ako." Sabi ni Beatrice sa amin.

"Marunong ka bang mangabayo, hindi. Kaya wag ka ng sumama, umuwi ka na, Beatrice." Inis na sabi ko dito. Sumimangot si Beatrice sa akin at parang inapi.

"Ang sama mo naman sa akin, Amira. Gusto ko lang naman maka-experience na makasakay ng kabayo." Sa halip na maawa sa pagiinarte nito ay inirapan ko na lang sya.

"Sige na, Bossing, isama na natin sya." Kobe said.

"Bossing?" Beatrice said. Ngumiti ng malaki si Beatrice kay Kobe at ako naman ay inirapan nya. Inirapan ko rin ito.

"Sayo ako sasakay huh, Kobe." Sabi nito kay Kobe. Masama akong tumingin kay Kobe. Sige Kobe, pumayag ka malalagot ka sakin.

Tumingin ito sa akin at nawala ang ngisi nito. Napakamot na lang sya sa kanyang ulo bago sinagot si Beatrice.

Love In Chaos (Chavez Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon