CHAPTER 15 (Everything About Him)

11 3 0
                                    

AMIRA'S POV
_______

"Thank you." Sabi nito at aalis na sana pero pinigilan ko sya.

"Oops! San ka pupunta? Yung usapan natin huh, Mr. Pinaglihi sa sama ng loob." Sabi ko dito. Kumunot ang nuo nito sa akin.

"What did you just call me?" Seryosong tanong nito.

"Bingi ka ba, Mr. Pinaglihi sa sama ng loob? Yung usapan natin. Sabihin mo sakin ang nalalaman mo tungkol kay Kobe." Sabi ko dito.

"Why would I? Hindi pa naman ako sure kung magiging successful ba ang sinabi mo." Sabi nito sa akin bago nya ako mahinang tinulak patabi. Sa inis ay binato ko ito ng tsenelas na bigay ni Tita Belle pero di ito tinamaan.

"Alam mo sana ma-basted ka ng liligawan ko. Grrrr! Iniinis mo na naman ako, Mr. Pinaglihi sa sama ng loob." Malakas na sabi ko dito pero ang kupal nginisian lang ako bago pumasok sa kwarto nya.

Naiinis akong pumasok sa loob ng room at pasalampak na umupo sa gilid ng kama. Kung bahay ko lang ito baka kanina ko pa sya nahampas ng tambo.

Pinilit ko ang sarili kong matulog dahil maaga pa kaming aalis ni Mommy bukas. Sana lang di ko makita ang pagmumukha nya bukas. Ayokong masira ang araw ko dahil sa kanya.

Pagkagising ko kinabukasan ay hindi na kami Kumain ng umagahan kila Tita Belle dahil nagmamadali rin kami ni Mommy. Good thing, hindi ko nakita si Mr. Pinaglihi sa sama ng loob.

Pagkarating namin sa apartment ay naligo na agad ako at nagpalit. Doon na lang ako kakain ng umagahan sa cafe. Si Mommy naman ay nagpahinga muna sa kwarto bago ba-byahe papauwi sa probinsya namin.

Di sya gaanong tumatagal sa apartment at isa pa ayaw nya daw iwan ng matagal si Daddy.

Pagkarating ko sa cafe ay nag-order agad ako. I open my phone and check my social media accounts. Puro good feedbacks parin ang nakukuha namin. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na agad ako sa counter at nag-trabaho.

Gumagawa ako ng coffee ng may mag-order sa counter. Sakto namang umalis si Diane at pumunta sa loob dahil may importanteng kukuhanin ito. Pagkabigay ko ng order kay Annie ay pumunta na agad ako sa harap ng lalaki. Hindi ko pa ito tinitignan sa mukha dahil may chini-check din ako sa list.

"Good Morning po. Welcome to Bossing Cafecoast. May I know your order?" Sabi ko dito ng hindi ito tinitignan.

"Bossing huh." Sabi ng kung sinong nasa harapan ko. Pagkarinig ko sa boses nito at agad na napaangat ang tingin ko sa kanya.

"K-Kobe?" I said. Ngumiti ito sa akin pero di ko nagawang ngumiti sa kanya dahil sa itsura nya sa halip ay bigla akong nakaramdam ng pag-aalala.

Sobrang putla ng mga labi nya at halata mo sa mga mata nya na wala pa itong tulog.

"M-may I know your order, S-Sir?" Tanong ko dito. Nawala ang ngiti nito sa labi at napalitan ng pagkaseryoso.

"Cappuccino and penne pesto with bacon wrap." Sabi nito sa akin.

"I'll repeat your order, Sir. Cappuccino and penne pesto with bacon wrap. May ia-add pa po ba kayo?" Tanong ko dito.

"You." Sabi nito.

"H-huh?" Nagtatakang tanong ko.

"Can I talk to you, Amira?" Sabi nito.

"Okay, hintayin mo na lang ako." Sabi ko dito. Sakto rin namang labas ni Diane kaya nagpaalam na muna ako dito. Tinanggal ko muna ang mga suot kong apron, food safety hair nets, at black disposable gloves bago lumabas at puntahan ang table kung nasaan si Kobe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love In Chaos (Chavez Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon