CHAPTER 5 (Like the View)

74 5 0
                                    

AMIRA'S POV
_______


Ilang araw ko na namang hindi nakita si Kobe. Di ko naman sya mapuntahan sa kanila dahil natatakot ako sa Daddy nya. Mabait naman siguro ang Daddy ni Kobe, pero natatakot ako dahil magka-away sila ni Daddy dahil sa politics. Baka kasi alam nya na anak ako ni Daddy tas baka magalit sya sa akin.

Sa susunod nga, kukuhanin ko na lang ang phone number ni Kobe. Bat ba kasi di ko yun naiisip sa tuwing magkasama kami?

Sa susunod na araw daw ay sasama kami kay Daddy sa pangangampanya. Mas okay na rin yun dahil yun din naman ang isa sa reason kung bakit ako umuwi.

Naglakad lakad ako hanggang sa mapadpad ako sa isang abandonadong bahay. Maliit lang ito at may isang kwarto. Aalis na sana ako ng may marinig ako na mahihinang ungol.

Dahil sa pagka-curious ko ay pumasok ako sa bahay, dahan dahan akong lumapit sa lugar kung saan ko mas naririnig ng malakas ang mga ungol na iyon.

"Ugh, sige pa. Faster please." Rinig kong ungol ng babae.

"Shit, Amira. Ahhh! Damn, baby!" Rinig kong ungol ng lalaki na familiar ang boses sa akin. Pero bakit binanggit nya ang pangalan ko?

Dahan dahan kong pinihit pabukas ang doorknob, doon na bumungad sa akin ang hindi ko inaasahang pangyayari.

"Oh my god!" Usal ko dahil sa pagkabigla.

Kitang kita ng mga mata ko si Kobe at si Sally. Parehas silang nakahubad, pero nakatalikod sa akin si Kobe at natatakpan nya si Sally pero alam kong parehas silang walang saplot.

Gulat na tumingin sa akin si Kobe ng marinig nya ang boses ko. Mabilis akong tumalikod at nagmamadali ng umalis doon.

May naramdaman akong basa na tumulo sa aking palad. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Naninikip ang aking dibdib ng nagmamadali akong tumakbo papaalis doon.

Nasasaktan ako. I'm aware about it. I'm aware that I already have a feelings for Kobe. Kaya sobra akong nasasaktan sa nasaksihan ko kanina.

Pagkarating ko ng bahay ay kinulong ko agad ang sarili ko sa aking kwarto. Ni-lock ko muna ang pinto at window sa terrace bago binaba ang mga kurtina. Gawa kasi sa glass ang pinto at ang bintana nito kaya kitang kita ako sa loob.

Ayoko na muna syang makita. Di ko in-expect na ako pa talaga ang makakakita ng kababuyan nila. Sana pala di na lang ako pumunta dun. Sana pala di ko na lang pinanaig ang kuryosidad ko.

Nakatulog ako ng umiiyak. Nagising lang ako ng makarinig ng mahihinang katok galing sa aking pintuan.

"Anak, kakain na. Bumaba ka na." Sabi ni Mommy. Kahit na ginugutom ako ay hindi ako bababa dahil ayokong makita nila ang namumugto kong mga mata.

"Mommy masama po ang pakiramdam ko, nahihilo po ako. Pwede po bang mamaya na lang po ako?" Sabi ko dito.

"Dadalhan na lang kita ng pagkain at gamot dyan. Magpahinga ka na muna." Sabi nito sa akin.

Nakita ko ang pag-alis ng anino nito sa harap ng aking pintuan. Sobrang dilim na ng paligid dahil gabi na. Ang haba rin pala na itinulog ko.

"You have a headache?" Nagulat ako ng makarinig ng malalim na boses. Agad akong lumapit sa lampshade at binuksan ito.

Nakita ko agad si Kobe na prenteng prenteng nakaupo sa mini sofa sa kwarto ko. Nakatingin ito sa akin habang naka-dekwatro ng upo.

Love In Chaos (Chavez Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon