CHAPTER 2

1.7K 36 0
                                    


Chapter 2 : Goodbye, Pangasinan

NAPUTOL ang monologue ko nang marinig ko ang boses ni Madam Chakalang kaya napasimangot ako. Sabi ko sa inyo madalas siyang panira ng moment.

"Magtrabaho ka na, Lorenzo! Aba! Sinasahuran kita rito at masasayang lang ang oras mo tapos pupunta ka na kay Indak!" reklamo niya sa akin. Napakamot ako sa ulo ko kahit wala naman akong kuto.

Minsan talaga napapaisip ako kay Madam Chakalang. Mukha siyang nagseselos kay Aling Indak, eh. 'Di hamak na mas gusto ko sa isa kong amo na iyon kasi kahit masungit at strict ay hindi naman matapobre katulad nitong si Madam Chakalang.

"Opo, Madam Chakalang!" sigaw ko at pinanlakihan ako ng mga mata niya dahil sa tinawag ko sa kanya.

"Madam Chalang po pala!" pagtatama ko at nang may tao ang pumasok sa panahian ay nagmamadali akong lumapit dito.

"Magandang araw po! Anong atin?" salubong ko at matamis na nginitian ang lalaki---lalaki?

"Ang guwapo mo naman po!" bulalas ko at hindi ko na napigilan na puriin siya dahil sa sobrang galak. Chars.

Ang guwapo-guwapo niya talaga at mukhang mayaman pero hindi ko siya type at walang sparks. Sayang.

"Good morning," baritonong sabi niya at hindi man lang ngumiti. Masungit pala. Pero at least, bumati naman siya sa akin.

"May ipapatahi po ba kayo?" magalang na tanong ko sa kanya at pinasadahan pa niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa.

"Kilala mo ba si Joy Lorenzo?" tanong niya at tila dinadaga ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalang binigkas niya.

Ano ang kailangan niya sa nanay ko? Matagal nang namamahinga ang nanay ko at bakit may naghahanap pa sa kanya?

"Hindi, walang Joy Lorenzo rito," mariin na sagot ko at pinagtaasan niya ako ng kilay dahil sa tono ng boses ko.

"Sino ka ba? At ano ang kailangan mo sa taong iyon?" seryosong tanong ko sa lalaki.

"None of your business," masungit na sagot niya sa akin kaya napairap ako. Umalis naman na siya pero ang kaba ko sa dibdib ay hindi man lang nabawasan. Hindi naglaho.

Bakit nga ba may naghahanap kay nanay? Sino ang taong iyon?

NANG matapos ang oras ng work ko kay Madam Chakalang ay dumiretso na ako sa karinderya at nagsimula nang magtrabaho ulit.

At dumating naman si Anya, ang matalik kong kaibigan. Ang patay na patay sa anak ng Mayor namin na hindi naman siya nito pinapansin, ever.

Isa pang suplado ang lalaking iyon. Eh, hindi naman ganoon ka-guwapo pero puwede na siyang maging friend ng lalaki kanina. Grr.

"Sam-sam, may good news pala ako sa 'yo!" humahangos na sabi niya sa akin at tagaktak na siya ng pawis sa noo at leeg. Tumakbo na naman ang isang ito kaya lumalaki ang butas ng ilong, eh.

Same age lang kami nito. Maganda naman siya at mabait, may kaliitan nga lang. Nasa 5'0 lang siya pero cute, bagay sa kanya.

Siya rin ay hindi nakapag-aral dahil sa kahirapan, kahit may mga magulang ang nag-aaruga sa kanya. Panganay siya at sa dami ng mga kapatid niya ay hindi na siya kayang pag-aralin pa ng parents niya.

Sa halip ay ginagamit na lang iyon sa gastusin nila sa bahay.

"What is it, Anya Belle Ersuelo?" maarteng tanong ko sa kanya. Full name niya 'yan. Ang ganda 'no?

"Ang taray naman ng English natin! Kung hinayaan mo sana si Martida ay baka ikaw ang Valedictorian natin sa high school at ikaw sana ang palaging Reyna Elena natin sa Pangasinan. Pero takot mo lang pala sa tatay ng bobitang iyon!" mahabang pahayag niya kaya napasimangot ako.

Oblivion Series 2: All Fake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon