CHAPTER 36

2.3K 38 0
                                    

Chapter 36: Memories

Pangasinan...

NASA biyahe pa lamang kami nina Cyan at Arkanghel ay hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Sumama ang kakambal ko para makita niya raw si Sam-sam. Si Gabril at Reign lang ang naiwan sa Manila, dahil abala sila sa trabaho nila.

Abot-abot ang aking kaba. Sinabi rin sa akin ni Cyan na walang maalala si Samantha. Dahil daw iyon sa aksidenteng nangyari sa kanya two years ago.

Kung hindi ko lang sana siya iniwan noon ay wala sana siya kalagayan niya ngayon. Kung hindi lang ako pinangunahan ng galit ko ay hindi sana mawawala ng ganoon sa akin si Samantha.

"Hindi naman masakit, Drim. Parang kagat lang ng langgam ang sakit. Trust me," nakangising sabi sa akin ng kakambal ko. Sinamaan ko lang siya nang tingin at pinagtawanan pa ako ng mga kaibigan namin. Napabuntonghininga na lamang ako.

Pero akala ko ay kakayanin ko pa rin ang sakit na iyon pero hindi. Mas masakit pa yata kaysa ang malaman ko ang tungkol sa amnesia niya noon.

Kaya noong nakita ko na siya ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. I kissed her lips and hugged tight.

Pero tatlong salita lang ay parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Hindi nga niya ako naaalala... Pero shet! Bakit si Cyan ay naaalala niya?! At ako na boyfriend niya ay hindi?!

"Natatandaan kita..." Samantha uttered. Naikuyom ko ang kamao ko. Mahirap ba akong alalahanin, Sam-sam?

"Naaalala mo ako?" tanong naman ni Cyan sa kanya.

"Stop scaring my sister, Cyan," suway ni Charleston sa kaibigan ko pero hindi niya ito pinansin at mas lumapit pa siya kay Samantha. Ni hindi rin ako nakagalaw sa kinatayuan ko habang pinapanood pa rin sila.

"Kung ganoon, alalahanin mo. Paano mo ako nakilala?" Gusto ko tuloy hatakin si Cyan palayo kay Sam-sam, dahil tinatakot niya nga ito. Pero nanlalambot ang mga tuhod ko at naiiyak pa rin ako sa sakit.

"Ikaw... Hinahanap mo ang Nanay ko..." sagot ni Sam-sam.

Natigil ako sa walang ingay na pag-iyak. Kung ganoon, bago ko pa nakilala si Samantha ay mas nauna si Cyan? Paano ang nangyari iyon?

Later on, my girlfriend glanced at me. Napaayos ako nang tayo nang makita ko ang panglalambot ng katawan niya at pumikit ang mga mata niya.

"Fvck, Cyan!" sigaw ko at nakipag-unahan pa ako sa mga kapatid ng babaeng mahal ko na lapitan siya.

Ang huli ko lang narinig ay ang pagsambit ng pangalan ko... My lips parted...

"Dri..."

Nagkatinginan pa kami ni Cyan but Samantha lose her conscious. Kinuha ko na siya mula kay Cyan at sinamaan ko pa siya nang tingin.

"What did you do, Cyan?!" tanong ko sa kanya.

"Tatamaan ka sa akin, Cyan!" sigaw ni Charleston. Nagkibit-balikat lang si Cyan. Hindi naman siya takot sa mga banta namin sa kanya. Nanatiling tahimik naman ang kapatid ni Sam-sam.

Pumasok sa loob sina Kuya Crim at Arkanghel.

"What's going on here?" magkasabay na tanong nila sa amin at napatitig sila sa girlfriend kong nasa bisig ko na.

"Let me check her," Ark said.

"I'm a doctor too. Let me handle my sister," agap naman ng nagngangalang Charles.

Maingat na ibinaba ko sa maliit na kama ang walang malay na si Samantha. Nag-aalala pa ako dahil baka masira ang maliit na kama nito at hindi man lang malambot.

Oblivion Series 2: All Fake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon