CHAPTER 25

1.6K 29 1
                                    

Chapter 25: Confessions & Kiss

NABITAWAN din ako ni Drimson nang pati si Kuya Charleston ay sumugod din. Napasigaw ako dahil sa gulat nang mawalan nang balanse si Dri.

Pumutok agad ang labi niya at dinura pa ang dugo sa bibig niya.

"T-Tama na po! Tama na..." pagpipigil ko sa kanilang dalawa at may lumapit na security sa amin.

Hinawakan nila agad ang dalawa at nagpupumiglas pa si Dri. Bakit naman kasi bigla-biglang susugod ang isang ito?

Nakita ko naman si Carlin na naglalakad na palapit sa amin. Nakapagpalit na siya ng damit, suot niya ngayon ang pink na hoddie at puting sweatpants. Nakatali ang buhok niya.

"Pakawalan niyo silang dalawa. Kilala ko sila," walang gana niyang sabi sa mga security. Tumango lang ang mga ito saka nila binitawan sina Kuya Charleston at Dri.

Parehong putok ang mga labi nila at nakikipagtagisan pa ng masasamang tingin.

"Para kayong mga bata," nanunuyang sabi ni Carlin at walang pagpapaalam na tinalikuran niya kami.

Hinawakan ni Kuya ang kamay ko kaya humakbang na naman palapit sa amin si Drimson.

Pinigilan ko siya gamit ang paghawak ko sa dibdib niya.

"Tama na, please," pakiusap ko at lumambot ang bukas ng mukha niya, na kanina lang ay napakablangko nito.

Binalingan ko naman si Kuya, "Umuwi ka na po..." sabi ko.

Lumamlam naman ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Marahan na tumango at binigyan pa niya ng nakamamatay na tingin si Dri.

"Gamutin mo ang sugat mo, Kuya," habol ko at napangiti naman siya.

"Ayos lang ako, Sam-sam..." saad niya.

Sinundan ko pa nang tingin ang papalayong pigura ni Kuya Charleston pero hindi rin iyon nagtagal nang ipinihit ni Dri ang mukha ko sa kanya.

"Saan ka dinala ng lalaking iyon, Sam-sam?" seryosong tanong niya sa akin. Hawak niya ang mukha ko. Napatingin naman ako sa labi niyang may dugo. Inabot ko iyon at pinunasan ng hinlalaking daliri ko. Napaigtad siya sa gulat.

"Diyan lang," tipid na sagot ko at ngumiti.

Nagawa pa niyang haplusin ang pisngi ko saka niya ako hinila.

"DRI, huwag kang malikot..." kunot-noong suway ko kay Drimson.

Nasa condo na kami ni Carlin at kasalukuyan kong ginagamot ang sugat niya sa gilid ng labi niya pero hindi ako makapag-focus dahil ang likot niya.

Iyong kamay niya ay kung saan-saan na dumadapo. Sa pisngi ko at bumababa iyon sa baywang ko. Kaya hindi rin talaga ako makakilos nang hindi nanginginig ang kamay ko dahil sa paghaplos niya sa akin.

Kung tutuusin nga ay hindi dapat ako ang gumagamot sa kanya. Iyong fiancé niya pero ang isang iyon ay tahimik lang nakaupo sa kabilang sofa at nanonood lang sa amin.

Padabog na ibinaba ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at nakita ko ang paghaba ng nguso niya. Para talaga siyang bata!

"Dri..."

"I'm sorry... May...may sasabihin pala ako sa 'yo, Sam-sam..." pagsisimula niya at iniwasan ko ang mapatingin sa mga mata niya. Dahil baka mabasa niya na nasasaktan ako dahil ikakasal na pala siya.

Pero may dapat din akong itanong sa kanya. Iyong pagtawag niya sa akin sa first name ko. Hindi ko alam kung paano niya iyon nalaman. Kay Cyan kaya?

"B-Bakit tinawag mo akong Samantha kanina?" tanong ko at hindi ko na iniwasan ang tingin niya.

Oblivion Series 2: All Fake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon