Chapter 23: Engagement & Unexpected meeting with the other brothers
"Because there's a commotion waiting for the both of us, dear..."
MAKAHULUGANG sinabi ni Carlin ang mga katagang iyon. Ano'ng commotion? Ano ang tinutukoy niyang kaguluhan? Ano ba iyon? Ang weird ni Carlin ngayon...
"Prepare yourself later, babe," she uttered. Napalingon tuloy ako kay Dri na nasa kanya rin nakatingin.
"Here you go..." sambit pa niya at humahalukipkip na tumingin sa entablado kung saan nandoon na ang pinsan niya na magbibigay na yata ang sarili nitong speech.
Para siyang magandang artista na tinitingala ng lahat... Mabuti na lamang at hindi nakatingin ang kasama namin sa kanya. Nakamamangha naman kasi ang kagandahan niya.
"Good evening, ladies and gentlemen. Thank you po sa lahat nang dumating sa 28th birthday ko ngayon. Wala po akong mahabang speech, but I just want to thank you all. Just enjoy your party, guys," aniya. Talagang maikli lang ang speech niya at nagpasalamat lang siya sa mga bisita niya.
Pagkatapos no'n ay nagmamadali na siyang bumaba at tinungo ang kabilang table. Siguro ang parents niya ang nakaupo roon.
Napaangat ako nang tingin nang may humawak sa siko ko at inalalayan ako nitong makatayo.
"Dri?" Ano ba namang itong si Dri. Kanina pa ako nabibigla sa mga kinikilos niya, ah... Ano ba ang meron sa lalaking ito at mahilig talaga siyang manggulat?
Ngumuso lang si Drimson sa direksyon ng buffet table at hinila na niya ako. Napatingin pa ako kay Carlin at Kuya Charleston na naiwan sa table namin. Hindi rin gumalaw sa kinauupuan si Kuya.
Bakit parang wala na yata kay Carlin ang lapitan ako ng nobyo niya? Parang hindi na siya nagagalit sa akin kung palagi akong nakadikit kay Dri. Na noon ay nagalit talaga siya sa akin nang nalaman niya na nakatira ako sa condo ni Drimson. Pero ngayon...
"Shut up! Hindi mo ako tutulungan sa problema kong ito!" Narinig kong sigaw ni Carlin. Si Kuya Charleston ang kausap niya.
Kung hindi lang ako hinihila ni Dri ay hindi ako aalis doon. Kasi naguguluhan na ako sa mga kinikilos ng Kuya ko at maging si Carlin.
Kumuha ng dalawang plato si Dri. Binitawan niya lamang ako nang kukuha na siya ng pagkain niya. Muli kong tiningnan ang table namin.
May kausap ng dalawang matandang babae si Carlin at nandoon din ang pinsan niya. Parang may kakaiba akong nararamdaman. Parang may mangyayari na ano...
Iyon na kaya ang commotion na tinutukoy ni Carlin?
"Dri... Hindi ba dapat nasa tabi ka ni Carlin?" untag na tanong ko kay Drimson. Napatingin siya sa akin at saglit na sinulyapan niya ang puwesto namin kanina.
"Pinagtulakan pa niya akong samahan ka, Sam-sam," kibit balikat na sagot niya sa akin.
"H-Hindi ka ba nag-aalala sa girlfriend mo, Dri? Parang may mangyayaring hindi maganda..." ani ko.
Hindi ko alam kung bakit umiba na rin yata ang pananaw ko kay Carlin. Parang ang trato ko sa kanya ay hindi na isang kaaway kahit na wala naman talagang dahilan ang pag-aaway namin. Maliban kay Drimson na boyfriend niya.
Pero talagang nalilito na rin ako...
"Nag-aalala... Mas nag-aalala ako sa mararamdaman mo mamaya, Sam-sam," sabi niya.
"Ano'ng ibig mong sabihin, Dri?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Alam ko na...at masaya ako kung totoo rin ba ang hinala ko..."
BINABASA MO ANG
Oblivion Series 2: All Fake (COMPLETED)
RomanceGENRE: Romance Ulilang lubos na si Samantha Joyce Lorenzo, at mag-isang itinataguyod ang kanyang sarili ngunit rakitera. Pinangarap niya ang makapagtrabaho sa Manila kahit alam niyang wala siyang mapapala ro'n dahil hindi siya nakapagtapos sa pag-aa...