CHAPTER 28

1.5K 26 0
                                    

Chapter 28: Finally meeting them

"SA mansion namin. Gusto kang makita ng parents ko, Sam-sam," nakangiting sagot sa akin ni Dri at malakas na napasinghap ako dahil sa gulat.

"B-Bakit naman? H-Hindi ba nakakahiya, Dri?" kinakabahan na tanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Pinapagaan niya ang pakiramdam ko pero hindi ko rin magawa. Dahil kakabahan lang ako.

Bakit naman ako gustong makita ng parents niya? Ano ang dahilan?

"Bakit?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

Tumayo siya mula sa kama at inalalayan niya rin ako.

"Dri... Bakit gusto nila akong makita?" tanong ko. Wala yatang pakialam si Dri kahit na sobrang kabado na ako ngayon.

Sino ang hindi kakabahan kung sasabihin sa 'yo ng lalaking gusto mo na gusto kang makita ng parents niya? At ano naman ang dahilan?

Halos buhatin na ako ni Dri dahil sa mabibigat na paghakbang ko. Kaya noong nasa sasakyan na kami ay tawang-tawa siya.

"Sam-sam... Hindi nangangain ng tao ang parents ko," sabi niya.

"B-Bakit pumayag ka na ipakilala ako sa kanila? Dri...hindi pa ako handa..." ani ko. Umiling lang siya sa akin.

"Sabi ko sa 'yo, makulit ang parents ko. Kung hindi tayo ang pupunta sa kanila ngayon ay sila naman ang gagawa ng paraan makapunta lang sa condo ko para makilala ka," mahabang paliwanag niya.

Napabuntonghininga ako at kumunot ang kanyang noo.

"Don't be nervous, Samantha. Step by step ang relasyon natin, 'di ba? So, step one, kailangan mong kilalanin ang pagkatao ko, step two ay ang panliligaw ko sa 'yo. Step three ay kikilalanin mo ang parents ko. Nakilala mo na rin ang kakambal ko. Kung hindi natin ito gagawin, kailan ka magiging handa, Sam-sam? Mas mabuting maaga pa lamang ay makikilala mo na ang parents ko na soon ay magiging Mommy at Daddy mo na rin," mahabang saad pa niya. Nag-iwas ako nang tingin sa kanya.

Ramdam ko ang init ng magkabilang pisngi ko. Sigurado akong pulang-pula na ito. Grabe naman kasi si Dri. Kailangan pa bang sabihin iyon sa akin? Nahihiya ako na kinikilig. Shet naman...

Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko at dinala niya iyon sa labi niya para kintalan ng halik. Ang puso ko ay wala ng tigil sa lakas ng kabog nito.

Hindi na binitawan ni Dri ang kamay ko. Mahigpit na hinawakan niya lamang ito. Isang kamay na lang ang ginawa niyang paghawak sa manibela.

Ilang minuto ang nakalipas ay pumasok sa isang subdivision ang kotse niya at napatingin ako sa labas ng bintana. Namamangha ako sa mga nakikita kong magagandang mansion na nadadaanan namin.

Halatang mayaman lang ang nakatira sa subdivision na ito. Sobrang laki at maganda ang mga mansion nila. I wonder kung gaano rin kalaki at kaganda ang tahanan ng parents ni Dri.

Muli akong napatingin kay Dri nang huminto na ang sasakyan niya. Agad niyang kinalas ang seatbelt sa katawan niya kaya iyon din ang ginawa ko. Bago ko pa mabuksan ang pintuan sa side ko nang mabilis na nabuksan na iyon ni Dri. Ang bilis niya talagang kumilos. Katulad na lang na gusto na niyang maging kami na. Eh, hindi pa nga niya ako nililigawan. Tss.

Hindi porket malalim ang nararamdaman ko sa kanya at masasabi kong mahal ko na siya ay hindi naman ako easy to get, ano.

Napatingin ako sa mansion na katapat namin. Mas malaki ang isang ito kumpara sa mga bahay na nakita ko kanina. Nakakamangha naman.

Drimson held my hand at sabay kaming pumasok sa mansiyon nila. Sobrang yaman talaga ng pamilya niya.

"Finally!" Napaigtad ako sa gulat nang makarinig ako nang sigaw ng isang babae, hindi kalayuan sa puwesto namin.

Oblivion Series 2: All Fake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon