Chapter 21: Confused & feelingsHINDI KO alam kung ilang oras ba ako inabot sa loob ng stock room at nag-ayos lang ako ng mga papeles sa kanya-kanyang drawer ng mga ito. Mainit sa loob at masyadong masikip dahil sa dami rin ng mga gamit dito. Kaya pagpapawisan talaga ako na maging kilikili ko pa yata.
Panay ang pagpunas ko ng pawis ko sa noo at leeg ko. Napanguso ako nang makita ko ang dumi na dumikit sa pants ko. Bakit kasi ito pa ang sinuot ko? Kung alam ko lang, tss...
Maya-maya lang ay naramdaman ko ang hangin na tumatama sa gilid ng mukha at sa leeg ko. Ang akala ko noong una ay may hangin ang nakapasok sa loob pero naalala ko na sarado pala ang mga bintana rito at walang aircon sa stock room.
Naka-squat ako nang hindi tumatama sa floor ang pang-upo ko at nilingon ko ang may dahilan na kung bakit humahangin.
"D-Dri?" gulat na sambit ko sa pangalan niya at muntik na akong makaupo sa maalikabok na sahig kung hindi lang ako mabilis na nahawakan ni Dri sa balikat ko.
May hawak siyang makapal na papel at iyon ang ginagamit niyang pamaypay sa akin. Sa kanya pala nagmumula ang hangin. Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala siya. Masyado yatang occupied ang brain ko?
"Bakit nandito ka?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Mainit dito, Sam-sam," sabi niya. Malayo sa tanong ko ang sagot niya. Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng mainit na tela sa pisngi ko at halos dumikit sa ilong ko ang pabango niya.
Pinupunasan niya ang pawis ko na halos yakap na niya ako mula sa likuran ko tapos hindi niya hininto ang pagpaypay sa akin.
Para akong bata na pinupunasan niya at nakakabingi na ang kabog sa dibdib ko. Sobrang lakas nito.
"See? Namumula na ang pisngi mo dahil sa init dito," wika niya sa akin pero hindi naman malamig ang boses niya. Hindi'yan dahil sa init dito. Namumula ang pisngi ko dahil sa ginagawa mo ngayon sa akin, Dri!
Bakit mo ba kasi ako sinundan dito?
"Pinapahirapan ka ba ni Carlin, Sam-sam?" tanong niya sa akin na ikinailing ko. Bayolente siyang napalunok.
"Masyadong mabigat para sa 'yo ang trabaho na ito," he added.
"Gutom ka na ba? Dalawang oras ka na rito, Sam-sam," sabi niya. Mga ilang beses ba niya tatawagin ang nickname ko? Kasi hindi ako magsasawa na pakinggan iyon mula sa bibig niya.
"H-Hindi pa," nauutal kong sagot. Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin kaya sobrang kabado na naman ako.
"Ako na po..." ani ko at sinubukan kong agawin sa kamay niya ang puting panyo niya pero iniwas niya lamang iyon sa akin.
"Para kang bata, Sam-sam. Ang dugyot mo na," komento niya, alam kong nagbibiro lang siya. Kaya tinulak ko ang dibdib niya at tuluyan siyang napaupo tapos umalingawngaw sa apat na sulok ng silid na ito ang boses niya.
Ang boses niya na nakakapanindig balahibo. Ang sexy pakinggan... Tang-na.
"Damn," mahinang mura niya at tumayo na siya. Pinagpagan pa niya ang suot niyang slacks. Tumayo na rin ako at hinarap ko siya.
"Ano pala ang ginagawa mo rito?" tanong ko.
Binalingan niya ako nang tingin at ngumiti sa akin.
"Pumunta ako sa condo ni Carlin kanina. Hindi kita nadatnan doon. May spare key ako kaya nakapasok ako roon. Tapos hindi sinasagot ni Carlin ang mga tawag ko. Ring nang ring lang ang cellphone niya mula sa kabilang linya. Nag-alala ako na baka kung saan-saan ka na niya dinala at hindi nga ako nagkamali," seryosong sabi niya at hayan na naman ang pag-igting ng panga niya.
BINABASA MO ANG
Oblivion Series 2: All Fake (COMPLETED)
RomanceGENRE: Romance Ulilang lubos na si Samantha Joyce Lorenzo, at mag-isang itinataguyod ang kanyang sarili ngunit rakitera. Pinangarap niya ang makapagtrabaho sa Manila kahit alam niyang wala siyang mapapala ro'n dahil hindi siya nakapagtapos sa pag-aa...