EPILOGUE

3.3K 51 6
                                    

Epilogue

TWO years ago...

"SAM-SAM! Gising ka na!" Narinig kong sambit ni Anya. Kasabay nang paghawak niya sa kamay ko at hindi ko pa magawang magmulat ng mga mata dahil ang bigat-bigat pa nito.

Tapos maging ang katawan ko... sobrang bigat din... Para nga akong tinadyakan ng kabayo o nasagasaan ng malaking truck.

"A-Anya... Tubig, please..." sabi ko at napangiwi ako nang maramdaman ko ang kirot sa palapulsuhan ko kaya napadilat na ako. Nagulat pa ako nang makita ko na may suwero ito.

Ano'ng nangyari sa akin? Na-confine ba ako sa hospital?

"Anya..."

"Teka lang, Sam-sam!" Nakita ko naman ang seryosong mukha ni Engineer Lazer at may pinindot siya sa hospital bed kaya bahagyang umangat ang likuran ko.

"Ano'ng nangyari?" nanghihinang tanong ko sa kanya at bakit maging ang ulo ko ay may kirot din?

Akmang hahawakan ko na sana ang ulo ko nang pinigilan niya ako. Ibinaba niya ang kamay ko.

"Ano ba ang nangyari?" ulit na tanong ko.

"You had a car accident. How are you?" tanong niya sa akin.

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, "C-Car accident?"

Hindi ko maalala na naaksidente ako. Paanong nangyari?

Iyon lang ang sinabi sa akin ni Engineer Lazer na naaksidente ako at sinabi na ng doktor ko na may amnesia nga ako. Kaya ang maging ang aksidenteng nangyari sa akin ay hindi ko rin maalala...

"Ito... Hindi na ba ito masakit, baby?" malambing na tanong sa akin ni Drimson at marahan na itinuro niya ang sentido ko. Dahil nalaman niya na may head injury ako, dahilan na nakalimutan ko rin siya ng dalawang taon.

Hindi ko rin naman inakala na babalik din iyon ng walang kahirap-hirap pero dahil...nandito nga ang dalawang Kuya ko ay hindi sila papayag na hindi matingnan nang maayos ang kalagayan ko.

"Masakit..." nakangiwing sagot ko at hinaplos niya iyon saka niya hinalikan.

Nandito pa rin kami sa bahay kubo ko. Nahihiya nga ako dahil nakita pa nila kung saan ako nakatira. Mabuti na lamang ay palaging maayos ang loob ng bahay ko. Nasa labas din ang ibang kasama ni Dri. Maging sina Kuya.

Dalawa na kami ni Drimson ang nasa maliit kong kama. Nilagyan ko nga ng unan ang likuran niya.

"Hindi ka na...galit sa akin, Dri?" nag-aalangan kong tanong sa kanya.

Naalala ko kasi ang nangyari sa amin bago ako naaksidente. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Iilan na memorya pa lang naman ang naaalala ko.

"Hindi... Hindi naman ako galit sa 'yo, baby..." umiiling na sabi niya, "Hindi naman ikaw ang may idea no'n. Si Ark... I'm sorry kung hindi kita pinakinggan, baby... Hindi ko na gagawin pa iyon sa 'yo ulit," punong-puno ng pagsisisi na sabi niya. Napangiti ako.

Gumalaw pa si Dri. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa luma kong bed na ay tila suko na rin.

"D-Dri..." nahihiyang sambit ko sa pangalan niya.

Natatawang binitawan niya ako saka niya ako inalalayan na makatayo.

"Pasensiya ka na, Dri... Marupok na silang lahat, eh," ani ko, ang tinutukoy ko ay ang matigas na kama at maging ang bahay ko na rin. Kahit nga ako ay ingat na ingat.

"Okay lang... Sa akin ka naman titira," sabi niya at humaba ang nguso ko.

"Nasa labas lang ang dalawang Kuya ko, Dri. Magtigil ka," suway ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin at mariin na pinisil ang ilong ko kaya hinampas ko siya sa dibdib niya. Ang sakit kaya.

Oblivion Series 2: All Fake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon